EVELYN Nagmamadali akong naglalakad papunta sa next class ko. Malapit na kasing magsimula at baka bigla na lang akong ma-late. Hindi ko pa naman alam kung sino ang prof namin doon lalo na umalis na ‘yung dating professor namin. Nagmamadali na nga kaming kumain ni William dahil na rin sa bruha kong tita na umangal kanina. Nang makarating ako sa classroom ay nagulat ako dahil si bruhang tita ang prof ko. Taas noo akong nakatayo sa may pintuan. “You’re late,” seryoso na sabi niya sa akin. “Sorry,” sabi ko na lang kahit hindi naman talaga ako late medyo OA lang siya dahil nauna siyang dumating kaysa sa akin. Pumasok na ako at tahimik na umupo sa upuan ko. Pero talagang trip niya ako dahil kanina pa niya ako tinatanong. Hindi mahinahon na tanong kundi pagalit na tanong. Dahil gusto ko rin

