EVELYN “Sino kayo? Bakit kayo pumasok sa room ko?” tanong niya sa amin kaya nagkatinginan kaming dalawa ni William at nakita ko na nasasaktan siya. “Hi, mom. Ako ito ang pinakagwapo mong anak,” nakangiti na pakilala ng asawa ko kay mama Carmela. “Adam, ikaw ba ‘yan?” tanong ni mama. “Mommy, naman eh. Ako ito ang bunso mo si William.” niyakap niya ang mommy niya. “William? Ang pinaka-pasaway na anak ni Oliver? Ikaw ba ‘yung babaero?” tanong ni mama sa asawa ko. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Malungkot na kasi ako kanina pero bigla na lang kasing naging ganito ang tanong ni mama kaya lihim akong natuwa. Nakatingin siya sa akin ngayon kaya naman ngumiti ako sa kanya. “Bitiwan mo nga ako, para namang papatayin mo ako ang higpit ng yakap mo sa akin.” reklamo ni mama

