EVELYN “William, bakit ka nandito? Ipagtatanggol mo ba ang batang ‘yan?” galit na tanong ni Sannang bruha kay William. “May masama ba kung ipagtatanggol ko siya?” sagot naman ng boyfriend ko na halatang seryoso na. “Bakit? Bakit mo ipagtatanggol ang bastos na ‘yan? Hindi nga ‘yan marunong rumespeto sa akin na tita niya. Sinaktan niya ako at nakita ‘yon ng lahat,” sabi pa niya na para bang iiyak na. Halata naman na nagpapaawa siya para hindi ako kampihan ni uncle. I mean ng boyfriend ko. “Hindi ka niya sasaktan kung hindi mo siya sinaktan at nakita rin ‘yon ng lahat.” kalmado lang na sabi ni uncle. “Bakit tama ba na saktan niya ang professor niya? Tama ba na bastos siya sa akin. Nasa university siya at dapat marunong siyang rumespeto lalo na sa guro niya.” “Bakit tama rin ba na sakta

