EVELYN (CONTINUATION OF FLASHBACK) “Kapag naging successful ito payag ka na na magka-baby tayo?” Tanong niya sa akin. “Love, may gusto akong sabihin sa ‘yo.” “Anong sasabihin mo? Bakit ang seryoso mo? May problema ba?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Ang totoo kasi ay…” “Ay ano, love?” “Kasi po..” “Love, sabihin mo na.” sabi niya sa akin. “Kasi, paano kung hindi tayo makakabuo?” tanong ko sa kanya. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nagtanong sa kanya. Kahit pa ang gusto kong sabihin ay pumapayag na ako. Ang totoo kasi ay payag na ako, ito dapat ang sasabihin ko sa kanya pero bigla na lang akong nagtanong. “May problema ba? Puwede tayong pumunta sa OB para magpatingin ka,” sabi niya sa akin na halatang nag-aalala siya. “Okay lang ako, bigla ko lang naisip na paano kung

