EVELYN “Kung hihilingin ko ba sa ‘yo na—” “Papa, kung ano man ‘yang sasabihin mo sinasabi ko sa ‘yo hindi mo kami mapaghihiwalay.” putol ko sa sasabihin niya. “Ano ba pinakain sa ‘yo ng matandang ‘to para maging ganyan ka?” tanong niya sa akin. “Matanda? Eh matanda ka rin naman eh,” sabi ko sa kanya. “Bakit kasi siya pa? Marami namang mas bata–” “Marami, papa pero sa kanya tumibok ang puso ko,” nakangisi na sagot ko sa kanya. “Pasaway na bata,” sabi niya sa akin. “Buntis na ako at kasal na kami kaya wala ka ng magagawa.” sabi ko. “Alam ko, hihilingin ko lang naman sa kanya na—” “Bro, hilingin mo lahat ‘wag lang ang layuan ko siya.” putol rin ng asawa ko sa sasabihin ng papa ko. “Bagay nga kayong dalawa ang hilig niyong putulin ang sasabihin ko eh.” sabi ni papa kaya tumawa kami

