EVELYN Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon ang asawa ko. Nakasuot siya ng suit at talagang ang gwapo niya. WILLIAM DELA VEGA - CHAIRMAN “Good morning, love.” nakangiti na bati niya sa akin kaya napasinghap ang mga tao sa paligid. “What are you doing?” tanong ko sa kanya pero mahina lang. “Binabati ko lang ang asawa ko.” nakangiti pa rin siya na para bang wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid na nakatingin sa amin. Sa mga tao na makakarinig sa mga sasabihin niya. “‘Bakit hindi mo sinabi sa akin?” “Ang alin, love?” nagmamang-maangan pa talaga siya. “Ito, wala kang sinasabi sa akin.” pabulong pa rin na sabi ko. “Kapag sinabi ko naman sa ‘yo baka hindi ka na pumasok. Welcome to our company, love.” sabi niya sa akin. Ang dami naman yata ng negosyo niya. Ako na lang y

