EVELYN Pagkatapos kong magluto ay bumiyahe ako papunta sa ospital para ihatid ang pagkain na para sa asawa ko. Pagpasok ko sa loob ng room ni mama ay sinalubong ako ng asawa ko ng isang mahigpit na yakap. “I miss you,” pabulong na sabi niya sa akin. “I miss you too, love. May dala akong food para sa inyo.” sabi ko sa kanya. “Ako na lang ang nandito dahil umalis sila,” nakangiti na sagot niya sa akin. “Sasamahan na lang kita dito.” sabi ko sa kanya. “Ihahatid kita mamaya,” malambing na sabi niya sa akin. “Kumusta na si mama?” “Bumaba na ang lagnat niya,” sagot niya sa akin. “Mabuti naman kung ganun,” sabi ko at inayos ko na ang pagkain na dala ko. “Pasukan na pala sa monday, love.” sabi niya sa akin. “Oo nga, ang bilis ng araw.” sagot ko sa kanya. “Okay lang ba sa ‘yo na sa bah

