EVELYN Araw ng fiesta ngayon kaya sobrang busy ang lahat. Ako ay nakaupo lang dito sa ilalim ng puno ng mangga. May nilagay kasi silang kawayan na bangko dito. Ayaw nila akong patulungin nang malaman nilang buntis ako. “Love, okay ka lang ba?” tanong sa akin ng asawa ko. “Okay lang ako, pero naiinip lang ako dito. Kasi naman ayaw nila akong tumulong sa loob.” parang bata na sagot ko sa kanya. “Nag-aalala lang sila sa ‘yo,” malambing na sabi niya. “Kahit na, hindi naman kasi mabigat na trabaho ‘yon.” “Hayaan mo na lang sila. Kahit ako ay ayaw ko rin na tumulong ka. Dito ka na lang at tawagin mo ako kapag may i-utos ka sa akin.” malambing na sabi niya sa akin. “Okay,” napanguso na sabi ko pero hinalikan lang niya ako sa labi. Tumingin ako sa mga babae na kanina pa pinag-pantasyahan a

