EVELYN Nasa byahe ako ngayon pauwi sa bahay ni lolo. Holiday bukas at wala akong pasok sa school. Kailangan ko rin kasing umuwi dahil pinapauwi ako ni papa. Nagsabi naman ako sa boyfriend ko na doon na muna ako at pumayag naman siya. Uuwi rin naman ako bukas ng hapon sa condo ko. Dahil sa traffic ay umidlip na lang muna ako. Kulang kasi ang tulog ko kagabi dahil sa pinuntahan pa namin si papa. Kahit pa napuyat ako ay masaya pa rin naman ako. Nang magising na ako ay malapit na rin akong bumaba. Inayos ko na ang sarili ko. Nang makababa na ako ay naglakad na lang ako papasok sa loob ng subdivision namin. Pagpasok ko sa gate ay binati ako ng guard namin. Pero nagulat ako dahil nauna pa sa akin ang boyfriend ko. Wala siyang sinabi sa akin na pupunta pala siya dito. May pa-okay pa siyang n

