EVELYN Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Nakahiga na ako sa malambot na kama. Kaagad akong kinabahan dahil hindi ko alam kung nasaan ako. Ang huling naalala ko kanina ay nag-aabang ako ng taxi. “Sh*t! Nasaan ba ako?” tanong ko sa sarili ko. Bumangon ako pero bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok si William. “L—Love?” Nauutal na tawag ko sa kanya. “Bakit ang tigas ng ulo mo?” Malamig na tanong niya sa akin. “Gusto ko lang naman pumunta sa hearing ni papa.” sagot ko sa kanya. “Nag-iisip ka ba? Alam mo naman na delikado itong ginagawa mo. Paano kung may nakakilala sa ‘yo? Paano kung dinukot ka nila? Paano ako?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Gusto ko lang naman sumilip.” Sabi ko sa kanya. “Bakit ba hindi ka marunong sumunod? Ginagawa ko ito para sa ‘yo. Gusto ko na

