EVELYN “May itatanong sana ako sa ‘yo.” biglang tanong ko sa kanya. “Ano ‘yun, tita?” “Totoo ba na may hinihintay ang uncle mo?” tanong ko sa kanya at nakita ko na nagulat siya sa naging tanong ko sa kanya. “Tita, kasi ang toto—” “‘Wag mo na pa lang sagutin.” sabi ko sa kanyang dahil may tiwala naman ako sa boyfriend ko. Mas mabuti na hindi na namin ungkatin pa ang mga ganitong bagay. Sinabi naman na kasi sa akin ni William ang sagot kaya okay na ‘yon. “Ayaw mo na bang malaman, tita?” tanong niya sa akin. “Pinag-usapan na namin ng tito mo.” sabi ko sa kanya. “So, alam mo na?” nakangiti na tanong niya. “Oo, alam ko na.” “Mabuti naman,” nakangiti na sabi niya. “Matutulog na ako, matulog ka na lang kapag inaantok ka na.” sabi ko sa kanya. Pumasok na ako sa room ko at tinawagan k

