S...stands for?

1020 Words
Nang dahil sa ilang araw na pangungulit sa akin ni Dennis na sumama sa school outing ay pumayag na din ako..Magaling ito sa pangungumbinse kasama pa ang mga teammates nito kaya napa"oo" na lang ako..at heto kami ngayon.. magkatabing nakaupo sa bus na maghahatid sa amin sa venue na napili ngayong taon.. Extreme adventure daw ang tema ngayong taon..I had no idea what extreme means since hindi naman ako mahilihsa adventure in the 1st place..Maaga ang naging call time namen kaya magaalas otso pa lang ng umaga ay nasa Cavite na kami..ang napiling lugar para sa outing ngayong taon!2 days and 1 night ang ilalagi namen doon..Kataka taka na pinayagan ako ni Nanay na sumama..Natakot pa nga ako magpaalam pero nakakahiya naman kung ipapabura ko pa ang name ko na nakalista na sa registration..at lahat ng nakalista ay binibigyan ng form na papipirmahan sa mga magulang..katunayan na pinapayagan ng mga ito ang mga anak na sumama..Nagtanong lang si Nanay kung saan gaganapin ang naturang outing at nagbilin na mag-ingat ako at pagkatapos pumirma na ito.. Water sports ata ang extreme adventure na gagawin namen for the school outing activities dahil may dagat akong natanaw pagbaba namen ng bus...Malaki kesa sa pangkaraniwan ang resort na iyon..well what do we expect..i heard isa ito sa pag aari ng mga Ferrigo..Speaking of which ay may biglang tumigil na sasakyan sa entrance ng resort..Ibinaba nito si Aleli at syempre ang nag iisang Ferrigo na nag aaral sa University namen...si Kevin! Nagkatingginan kami nito..Pero saglit lang na nagtama ang aming paningin dahil umabrisiyete na si Aleli dito at inaya naman na din ako papasok ni Dennis..Natipon ang lahat ng mag-aaral na sumama sa outing na iyon sa baybayin ng resorts..Madami kasi masyado ang sumama ngayon kung kaya't hindi kami nagkasya sa lobby ng resort..May mga teachers ding required sumama para siguraduhin ang kapakanan ng bawat estudyante..At ngayon ay nagbribriefing na ang ilan sa mga ito tungkol sa kung ano ang mga dapat namen gawin..at kung saang room kami nakaassigned..Hiwalay ang silid ng mga babae at lalaki..Malalaki naman ang bawat room kung kaya sa napagpasyahan na sa isang silid ay  walong estudyante ang ookupa..Nagsimula ang bunutan..nakabunot na din ako at kasalukuyan kong hinahanap ang mga makakasama ko..Nakita kong kumaway sa akin si Aleli..katabi nito si Kevin..ngalumpihit ako kung lalapit ba ako sa mga ito..pero dahil alam naman ng mga ito na nakita ko ang pagkaway ni Aleli kung kayat napagpasyahan ko ng lumapit na din.. "Hi..Andrea..I'm glad you make it..Anong villa ka?"tanong sa akin ni Aleli ng makalapit ako matapos akong besohin...Napakagiliw talaga ng babeng ito taliwas sa katabi nito,,na seryoso ang mukha at tila hindi ako kilala dahil hindi man lang ako tinapunan ng tingin... "Room 301 ako"nakangiti kong sabi... "Oh my gosh..roomates tayo"tumili pa ito na tila tuwang tuwa sa narinig!Maging ako ay hindi makapaniwala.. "Lets go..hatid na kita sa room mo"sabi  ni Kevin kapagkuwan..hindi ko alam kung ako ba ang sinabihan nito dahil dumako ang tingin nito sa akin matapos iyon sabihin..Pero baka mali din lang ako kasi anong reason para sa akin niya yun sabihin..hindi ba? "Common Andrea..sabay ka na sa amin since roomates naman tayo..."aya sa akin ni Aleli Hindi ko alam ang isasagot ko kasi parang ang akward ng vibes eh..Saktong nakita kong palapit sa amin si Dennis...na tapos na marahil bumunot at mahanap ang mga kgrupo nito... "Sorry..natagalan akong hanapin kung sino sino mga makakasama ko"sabi nito ng makalapit sa amin "You could just go to your room instead"sagot naman ni Kevin na ewan bakit nagsalita pa eh hindi naman ito ang kinausap ni Dennis "Ano yon Pre?"baling dito ng huli na hinarap din naman ng tingin ni Kevin "Imbis na naghanap ka ng makakasama sa room..dapat nagpunta ka na lang sa assignrd room for you..malay mo andun na pala mga makakasa mo..useless lang na maghanap ka pa sa crowd.." Bago pa magkainitan ang dalawa ay hinatak ko na si Dennis at binalingan si Aleli "Mauna na kami Aleli"sabi ko dito...pero tinanggal ni Dennis ang kamay ko na nakawak sa braso nito at nagsalita "Mauna na muna ako Andrea sa room ko..Ill just take shower..see you later sa lunch..nakakapang init kasi ng ulo.."at tiningnan pa nito ng masama si Kevin bago lumakad palayo sa amin Napabuntong hininga ako sa inasal nito pero hindi ko din naman ito masisisi.. "I suggest sumabay ka na lang sa amin Drea since iniwan ka na ng kasama mo"sabi ni Kevin at binuhat na ang mga bags namen ni Aleli at nauna ng maglakad.. Naiwan kami ni Aleli..Apologetic na tiningnan ako nito at kiming ngumiti.. "Let's go Andrea!"sabi nito kapagkuwan at sumunod na din ito kay Kevin kaya wala na ko nagawa..sumunod na din aKO sa mga ito.. Nagising ako na kumakalam ang tiyan..Hindi nga pala ako nakakaen ng tanghalian dahil nakatulog ako paglapat ng likod sa kama na nakaassigned sa akin..Tila tahimik ang paligid..Nasa labas marahil ang mga kasama ko sa kwarto..4:40pm ang nakita kong oras sa wallclock na nakasabit sa room..Napahaba ang tulog ko..kaya naman pala nagugutom na ako...Tinungo ko ang banyo.Napagpasyahan kong maligo na muna..Saktong kakalabas ko lang ng banyo ng may kumatok sa pintuan..sa pagaakalang isa lang sa mga roomates ko at nakalimutan lang marahil ang susi..eh binuksan ko ang pinto ng nakatapis lang ako ng tuwalya..Nanlaki ang mata ko sa napagbuksan...si Kevin ang nasa pinto at wari'y nagulat din sa tanawing naabutan..Natulo pa ang buhok ko..may kaiksian ang tuwalya ng resort dahil hindi man lang ito umabot sa mga tuhod ko..kaya kitang kita ang mga hita ko..Nakita ko ang pagbaba ng tingin nito sa mga hita ko..kung kaya't dali dali kong sinara ulit ang pinto..Anlakas ng kabog ng dibdib ko..Alam kong pulang pula ako base sa pag iinit ng mukha..Dali dali akong nagbihis..Nang masigurong okay na ako ay tiningnan ko ulit kung andun pa ito..Subalit wala na ito..Nakita kong may mga tupperware na naiwan sa pinto namen..na napag alaman kong pagkaen ang laman base sa amoy nito..Namula nanaman ang mukha ko ng mabasa ko ang note na nakasulat dito.. "Make sure to eat this after you put some clothes..and please..dont open the door again with just piece of towel.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD