Pinagmamasdan ko si Kevin habang titig na titig sa aking si Broomy..Tumigil kami sa may kakahuyan..Amazed na amazed ito sa nakikita..Walang bakas ng takot na ibig ko mangyari..At mukhang natutuwa si Broomy sa kanya dahil ang iglas iglas nito..Lilipad sa ere..magpapaikot ikot..na animo ay nagpapakitang gilas..Nasa tagong parte kami kung kaya't hindi ako ng-aalala na may makakita sa amin..
"Totoo pala talaga yung tungkol sa mga walis tingting.."saad nito
"Its Broomy.."sabi ko naman
nagtatanong ang tingin niya ng bumaling sa akin.
"its name is Broomy..."
"woah...so it has a name pa pala.."
"Bakit bawal ba itong magkaroon ng pangalan?!"
"no..no.no..thats not what i meant..Its..hmmm...fascinating?Its my first time seeing an actual THING..Flying!Cool!"sabi nito at ibinalik ang tingin sa walis tingting ko na hindi ata napapagod kakalipad..paroot parito..
"Hindi ka natatakot?!"
gulat itong lumingon sa akin..parehas kami nakaupo sa unahan ng kotse nito sa labas..
"Sa walis tingting?ofcourse not..."
"No..not just in my Broomy..pero in the whole thing..I mean bilang ordinaryong tao..bago sa iyo ang nakikita mo..Hindi ka man lang natatakot?"
"Ah...did i not pass the expectation?Kaya mo pinakita yung Broomy mo coz you want to scared me?"nanantiyang tanong nito sa akin.
Tumango ako..Theres no point naman na tumanggi since yun naman talaga ang dahilan ko..Masyado na kasi itong feeling close..And i dont like anyone near me..lalo at isang lalaki at isa pang Ferrigo!
"Well..sorry to disappoint you my dear Drea..But no..Hindi ako natatakot sa Broomy mo or sayo mismo kahit ordinaryong tao lang ako."tinitigan pa ako mg matiim
"You know what Im capable of doing"binawi ko ang tingin sa kanya
"I know..the whole town knows what a Salvacion is capable of doing.."
"Yun naman pala eh..alam mo..so bakit lapit ka pa din ng lapit"naiinis kong sabi..Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa..hinawakan nito ang mukha at iniharap sa kanya..Sinigurado nitong hindi ako makakapaling sa iba..Kaya no choice ako kundi tumingin dito..at magtagpo ang aming mata..
"A Salvacion maybe capable of doing something must you will never do such thing..Drea..You are the purest person i've ever known.."
Ang tagal namen nagkatitigan.Nababasa ko sa mga mata niya ang sinceridad..Naputol lang ito ng biglang bumagsak ang aking walis tingting sa paanan namen..Sabay kaming napalingon doon..
"Halika ka na..ihahatid na kita..pagabi na din"saad nito sabay tayo at pumuntang manibela.
Dinampot ko si Broomy..Nagtataka ako kung bakit bigla itong bumagsak.Hindi ito bumabagsak basta basta..Kaya nitong lumutang sa ere kahit ilang araw o buwan pa..Walang dahilan para bumagsak ito kung hindi uutusan..
"Hop in"sabi nito sa akin..Nakita ko siyang binuksan ang passenger seat..
Umiling ako..Hindi dapat ako nagpapahatid kung kani knino..Pinayagan ko lang siya nung nakaraan dahil sobrang late na nun at hindi ko dala si Broomy..pero ngayon..Im all fine!
"Okay na ko dito..Kasama ko naman si Broomy..makakauwi ako on time!"
Isinarado nito ang pinto at lumapit sa akin
"Are you sure?!Ayaw mo ihatid kita kahit dun sa pinaghatiran ko sayo kahapon?"
Tumango ako..Sapat na ang isang beses..Hindi dapat maulit un..Tiningnan niya ko bago tumango..
"Okay then..Ingat ka..See you!"kumaway pa ito bago sumakay sa kotse nito..
Pinagpasalamat ko na hindi siya ngpumilit pa.
"Mauna ko na..hindi ako komportable na may ibang nakakakita sa akin na nakasakay kay Broomy"
Nakita ko pa itong tumango bago pinatakbo ang sasakyan nito..Inantay ko pang mawala sa paningin ang kotse niya bago ako sumakay sa aking walis tingting..
1st day of Weeklong Foundation Day Celebration:Wash Week din kasi isang buong linggo kami na hindi nakaschool uniform.
Halos nag aagaw pa ang dilim ng umalis ako ng bahay para maaga ako makarating sa school.Naipaalam ko na ito kay Nanay..maging ang pag-uwi ko ng gabi.Hindi pwedeng wala akong sagot sa tanong niyang "Bakit"...kaya naman nagdahilan na lang ako na kasapi ako ng maintenance committee.Dahil din sa suporta ni River kaya naman hindi nagtanong ng iba pa si Nanay at basta na lang tumango..
Nauna pa ata ako kay Mang Pabling..Buti na lang at bente kwatro oras ang mga guwardiya sa school kung kaya't nakapasok pa din ako kahit wala pang tao..Madami dami din ang booth ngayon kumpara nung nakaraang taon..Mga sampung booth ata ang nakita kong nakahanay..Nagsimula akong tingnan isa isa ang booth matapos kong mailagay sa locker ko ang mga gamit ko at kumuha ng cleaning paraphernalia..Wala pa naman masyadong lilinisin..since day 1 pa lang naman..Tapos na nga ako maglinis ng magsidatingan ang ilang estudyante..Walang formal class ngayon..Pero syempre kahit walang klase hindi pa din pwedeng basta basta umuwi or wag pumasok..Need pa din ng attendance every subject..Kumbaga..yung oras para sa klase eh ilalaan para sa pagpunta sa bawat booth..Hindi naman ako interesado sa pagsali sa kung anong booth kung kaya yung oras ko ay inilaan ko naman sa paglilinis..pag may nakita akong basurang nakakalat..dinadampot ko na agad..Para hindi kami gabihin mamaya ni Mang Pabling sa paglilinis..Busy ako sa aking ginagawa ng biglang may nagposas sa kamay ko..Nakita ko ang mga estudyante mula sa Wedding Booth..Wala akong nagawa ng simulan nila akong dalhin sa puwesto ng mga ito.Hindi tradisyunal ang wedding na iyon dahil imbes na belo eh maskara ang inilagay sa akin..takip lahat except sa mata ko..Breathble din naman ang mask..nilagay nila ang flower crown sa aking ulo..Kapagkuwan ay may Iniabot sa akin na pumpon ng pinagsama samang bulaklak na halatang kinuha sa shool garden..At itinuro sa akin ang altar.Maganda ang pagkakadesign ng altar..Yung altar na kinopya sa kasalan sa tv..Gold ang theme base sa kurtinang nakasabit..May pacarpet pa pero hindi red kundi gold din Nasa gitna na ng altar ang kunwa kunwaring pari na magkakasal..Madaming tao sa paligid..Natuoon ang pansin ko sa lalaking nakamaskara din na nakatingin sa akin..Hindi ko kilala kung sino ito pero para akong kinakabahan hindi dahil ito ang unang beses na magpaparticipate ako sa ganoong aktibidad..Kung bulaklak ang hawak ko..may hawak naman itong maliit na timba..Hindi ko alam kung para saan ang timba...Sabagay..hindi nga ito tradisyunal na kasal kasalan..Siguro isa sa pakulo yung timba para dayuhin ang booth na iyon..Nakarinig ako ng isang musika..Hudyat ito ng pagsisimula ng seremonyas..Inihakbang ko na din papit sa altar ang mga paa ko dahil sinenyasan na ko ng pari.Lalo ako kinabahan ng makaharap ang lalaking "pakakasalan"
"You may now kiss the Bride"saad ng pari.Sinimulan alisin ng "groom" ang maskara ko.Akala ko aalisin din nito ang maskara nito pero nagulat ako ng itaas nito ang timbang hawak..Nakita ko ang laman niyon..Taliwas sa Gold theme ng kasal..Red ang ang kulay nito.Red paint ang hawak ng lalaki at ibubuhos sa akin..Gilalas na napatingin ako sa kanya..Kaya pala ako kinakabahan ng sobra..may mangyayari palang ganito..No wonder..hindi naman talaga matatapos ang araw na walang ganitong eksena sa buhay paaralan ko...Pumikit ako at inantay na lang ang pagpatak ng pintura sa mukha ko...Pero....