"Isa kang Ferrigo?Anong ginagawa mo sa bahay ng isang Salvacion?"pasigaw na sabi ni Nanay..Medyo malakas ang pagkakasabi niyon at maging si River ay bumaba dahil sa malakas na boses ni Nanay! Napaigtad ako..hindi dahil sa sigaw ni Nanay kung hindi sa narinig na sinabi nito.Sinong Ferrigo ang mangangahas na pumunta sa bahay namen?Iisang Ferrigo lang ang nasa isip ko..At yun ay si Kevin!Nagdudumali ako sa pagpunta sa salas..halos magkapanabayan pa kami ni River na ngayon ay nasa unang baitang na ng hagdan..Napatingin ako sa kakambal ko..Gulo gulo pa ang buhok nito..Paniguradong hindi pa din ito nakakaayos ng pinaghigaan..Tulad ko ay nabigla din marahil ito sa sigaw ni Nanay..Bihira lumakas ang boses ng aming ina..pwera lang pag galit ito..Naabutan naman si Nanay na matalim ang tingin sa tao

