Nagtago ang buwan sa pumpon ng makakapal na itim na ulam..Dumilim ang paligid!Wala pang sindi ang bonfire!Nagsimulang magdatingan isa isa ang mga kalahok sa paghahanapnng torch subalit wala isa man ang may bitbit nito...Biglaan ang pagbuhos ng ulan na may kasamang malakas na hangin..Sa lakas nito..maririnig na tila sumisipol ito!Sipol na nagbabadya ng panganib!Maririnig ang langitngitan ng mga sanga ng puno na parang mapuputol!Maririnig din ang malakas na lagaslas ng tubig.. sa talon!Maputik ang daan..subalit kataka takang makikita ang mga bakas ng paa patungo sa isang kweba..Habang papalapit sa kweba ay lalong lumakas ang buhos ng ulan.Tila nagngangalit ang buong kalangitan!Isang bulto ang nasa loob ng kweba.Nasa tabi nito ang isang torch na wala ng sindi..Bulto ng tao na parang nasaktan...duguan ang binti nito na tinalian..Tali na pinunit sa damit na suot nito..Nanginginig itolDala marahil ng pagkakabasa ng ulan..at lamig ng kapaligiran..Nakita ang pagguhit ng kidlat sa kalangitan na sinundan ng malakas na pagkulog.Pagkulog na naging hudyat yumanig ang lupa na naging dahilan ng pagkahulog ng napakaraming bato mula sa taas ng kweba..sobrang dami na naging dahilan para matakpan ang kweba..at makulong ang tao sa loob niyon...Kilala ko..kilalang kilala ko ang taong iyon...nakita ko ang mukha nito ng biglaang kumidlat kanina..si Kevin!si Kevin Ferrigo ang tao sa loob ng kweba!
Nagising ako sa malalakas na yugyog sa akin...Nabungaran ko si Aleli na nakahawak sa mga braso ko...
"Thank God you're awake"sabi nito "What happened to you?"
Inilibot ko ang paligid..nandoon kami sa aming silid at ako ay nakahiga na sa kama ko...
"Anong nangyari?!"tanong ko dito
"Bigla kang hinimatay kanina..buti malapit ka pa sa dalampasigan at nasaklolohan ka kaagad..You are fine naman daw sabi ng resident doctor dito..so yun...hinayaan ka na lang namen magpahinga"sabi nito bago nagpatuloy "Kaso panay ang ungol mo..kaya napilitan akong gisingin ka"
"Gaano na ko katagal nakatulog?Tapos na ba ang unang activities?Nakabalik na ba lahat ng kalahok?"sunod sunod kong tanong dito
"Hep..awat...isa isa lang tanong pls...kalma ok?!""to answer your 1st question..hindi pa naman ganun katagal kang natutulog..mga 15minutes siguro!"
"I have no idea kung tapos na ang unang event at kung nakabalik na lahat ng participant..since sinamahan kita dito simula ng bumagsak ka...why?!"
Dali dali akong tumayo at sumilip sa bintana..Tinanaw ko ang kalangitan..Kinilibutan ako ng makita kong unti unting nagtatago ito sa makakapal na ulam..Kinuha ko ang jacket na nasa higaan ko at lumabas ng kwarto namen..Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Aleli subalit hindi ko ito nilingon..Hindi ko alam kung totoo o panaginip ang nakita ko..kaya't gusto kong makatiyak..Hindi ko sigurado kung isa ba yung pangitain pero kailangan ko ng kumilos!
Napatigil ako sa dalampasigan..Marami pang tao doon na tila nag aabang..napansin kong wala pang sindi ang bonfire!Lumingon ako sa pinanggalingan ng mga papalakas na mga boses..Nanggagaling ito sa kakahuyan na siyang pinuntahan ng mga kalahok..Maya maya nakita kong palapit na isa isa ang mga kalahok..Tinanaw ko ang mga ito..May hinahanap ang mata ko..Nakita ko si Dennis pero hindi ko ito pinansin..Hindi ito ang gusto kong makita sa ngayon...Halos mabali ang leeg ko sa pagtanaw..subalit ni anino ni Kevin ay wala akong makita!
"Hey Andrea..inaantay mo ba ako?!"Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito!
"Bakit wala si Kevin?Hindi niyo ba to kasama?
Nagkibit balikat ito bago sumagot"Malaki naman ang kagubatan Andrea..Hindi ko naman kagrupo si Ferrigo para maging magkasama kami...""Oh andito na pala si Tonying eh...ito ang partner ni Ferrigo.."Kinabahan ako lalo dahil ng tingnan ko isa isa ang mga kalahok...wala isa man ito ang may hawak ng torch!
Binalingan ko ang partner ni Kevin.."Nasaan si Kevin?!"
Luminga muna ito sa paligid"Wala pa ba dito?Nahiwalay ako sa kanya kaya bumalik na lang ako dito ng hindi ko siya mahanap..akala ko andito na siya"
Shit!Hindi pwede to...Kung ganoon...
Nagulat ang lahat sa biglaang pagbuhos ng ulan..Kanya kanyang takbuhan upang maghanap ng masisilungan..Hindi na ko nagdalawang isip..tumakbo ako papasok sa kagubatan..Narinig ko pa ang malakas na tawag sa akin ni Dennis na humalo na din lang sa malakas na pagsipol ng hangin!
"Andrea...bumalik ka dito!Delikado sa kagubatan!"
Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo..Kailangan kong tulungan si Kevin..kung totoo lahat ng pangitain ko kanina...nasa panganib ito!
Tinalunton ko ang diretsong daan papasok sa kakahuyan...Tinatahak nang mga paa ko ang isang tiyak na direksyon!Ang daan papuntang kweba!Inilibot ko ang paningin ko..Basang basa na ko pero hindi ko iyon alintana..Habang tumatagal ako sa paghahanap lalong nalalagay sa alanganin ang buhay ni Kevin!Isang liko sa kanan..bago liko sa kaliwa..Tumigil ako saglit para pakinggan ang kalikasan..wala pa akong naririnig na lagaslas ng tubig..tanging mga sangang tila mababali lang ang maririnig..ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang mapatigil ako..malapit na ko..Naririnig ko na ang tubig sa talon..papalakas ito ng papalakas lalo at malakas ang ulan...nakita ko ang mga bakas ng paa..Sinundan ko ito dahil ito ang magdadala sa akin patungo sa kweba..at ilang saglit lang ay naroon na ako!Pumasok ako..kanina pa naman madilim..pero higit na madilim sa loob ng kweba..inaadjust ko ang mata ko..kailangan kong mahanap agad si Kevin..Hindi pa ko natatagalan sa paglalakad sa loob ng kweba ng may nakita akong bulto na nakahalukipkip..Dali dali ko itong nilapitan...Kinapa ko ang binti nito..May sugat nga ito at tinalian lang..nakapikit ito..
"Kevin...Kevin gising"tinapik ko ng bahagya ang pisngi nito.Nakita ko ang pagdilat ng mga mata nito..Inaaninag ako...
"Kaya mu bang tumayo?Kailangan nating makalabas dito agad..
"Drea?Ikaw ba yan?"Malat na ang tinig na sabi nito
tumango ako "Oo Kevin..ako toh..halika na..subukan mong tumayo..aalalayan kita..Kailangan natin lumabas agad kung hindi...
Isang kidlat ang nagpatigil sa pagsasalita ko..at kasunod ay ang malakas na kulog..
Hindi!kailangan na namen makalabas bago kami masaraduhan sa kweba..Pagod na pagod na ko..Hindi ko alam kung kakayanin pa ng katawan ko ang gumamit ng salamangka para matanggal ang harang kung sakaling masasaraduhan kami..
"Kevin please...tara na..kaya mo yan..sinubukan ko siyang itayo!Kahit hirap na hirap..Nakuha na nitong humakbang...
"konti na lang..wag muna kayong babasag mga bato.."piping dasal ko
Malapit na kaming makalabas..ilang hakbang na lang..ng biglang yumanig ang lupa...Tinakbo ko ang iilang hakbang na natitira habang nakaalalay pa din kay Kevin..Eksaktong nakalabas na kami ng bumagsak ang mga bato!
"Kevin okay ka ba?"tanong ko dito..nakatingin ito sa akin at inabot ang mukha ko..Dumako ang kamay nito sa noo ko!
"Ikaw..okay ka ba..."pinunasan nito ang noo ko..May nakita akong dugo sa kamay nito na nanggaling sa noo ko..Agad kong kinapa ang sinalat nito kanina..Nagdurugo nga ang noo ko..Kaya pala masakit!Tinamaan marahil ako ng lumaglag na bato..Hindi ko na inalintana yun kanina dahil mas ninais ko ang makaligtas kami...
"Huwag mo ko intindihin..okay lang ako.."sabi ko..Pero kumikirot na ulo ko..Hindi ko alam kung gaano kalaki ang sugat na natamo ko..Tatayo na sana ako ng pigilan nito ang aking kamay para pigilan ako..
"Dito..ka..lang..Wag mo ko iwan!"Tila nahihirapan itong magsalita..nakapikit na ang mga mata nito..Sinalat ko ang leeg nito..at ang noo nito..Mainit ito..Inaapoy ito ng lagnat
Mabuti na lang at tumila na ang ulan..Lumabas na ulit ang buwan kaya medyo maliwanag na ulit ang paligid!Umupo ako sa tabi nito..at inihilig ang ulo nito sa balikat ko..Nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa balikat..Nakatulog na ito kaya mabigat na ang ulo nito..Hindi ko alam kung gaano katagal na kami sa ganung posisyon ng may marinig akong mga taong hinahanap kami..Hindi ko na nagawang tumugon pa sa tawag ng mga ito..dahil unti unti ng namimigat ang talukap ng mga mata ko..Idagdag pa ang lumalalalng pagkirot ng ulo ko at balikat ko...Bago ako tuluyang mawalan ng malay..narinig ko pa ang mga papalapit na yabag at ang mga liwanag na nanggagaling sa mga flashlight!Bago ako mawalan ng malay..napangiti ako sa kaalamang ligtas na kami!