HINDI INAASAHAN ni Blossom na darating nga ang daddy niya dahil lang 'ipinatawag' niya ito at mas lalong hindi niya inaasahan na pupuntahan siya nito sa bahay ng mommy niya. Alam niyang kaninang umaga pa ito nasa Pilipinas dahil laman ng news ang pagdating nito. Aware din siya na kagagaling lang nito sa Malakanyang para bumati sa presidente. Ang hindi niya in-expect ay ang pagderetso nito sa kanya ng gabing 'yon. Sa pagkakaalam kasi niya, bukas pa sila magkikita sa five-star hotel kung saan ito nag-i-stay. "Nagulat ka ba sa pagdating ko, Princess Cassiopeia?" tanong ng daddy niya sa French no'ng nag-tsa-tsa sila sa veranda ng third floor ng mansiyon kung saan matatanaw ang kabuuan ng village. Mas maganda 'yong tingnan dahil sa nagliliwanag at makukulay na mga ilaw mula sa naglalakihang b

