Royal life isn't always glamorous. *** HINDI alam ni Blossom kung bakit nagdesisyon siyang magpunta sa party na 'yon– to be precise, welcome party 'yon para kay Brooklyn. Lahat ng ka-batch nila sa Polaris Academy, invited din. Salamat sa 'update' ni Yuki sa kanya, nalaman niyang pupunta rin si Koji. Koji. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa isa sa tatlong gold-gilded mirror na nakapaligid sa kanya habang nakaupo siya sa isa sa dalawang velvet couches sa back room na 'yon ng Grand Ballroom kung saan magaganap ang party mamaya. Maaga silang dumating ni Nikita para mag-ayos pero nang marinig ng best friend niya mula sa mommy niya na dumating na si Roarke, iniwan siya nito para raw 'mag-curtsy' muna sa prinsipe. Ewan ba niya kung bakit pinipilit pa rin nito ang sarili sa kakambal niya na

