NATIGILAN si Cassy sa paglalakad nang makita niyang pinagkakaguluhan ng mga estudyante sa harap ng main building ng Polaris Academy ang isang pamilyar na white Sedan. Kung hindi siya nagkakamali, kay Blossom ang kotse na 'yon. Hindi nga siya nagkamali dahil mayamaya lang, bumaba mula sa backseat ng luxury car ang kaibigan niya na mabilis pinalibutan ng apat na Knights– maliban kay Xia– para hindi ito malapitan ng mga schoolmate nilang humihingi ng autograph at selfie. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang ginintuan na ang buhok ni Blossom at kulay berde na rin ang mga mata– katulad ng kay Roarke! Ah. Binago lang pala niya ang kulay ng buhok niya. Kaya pala naka-lenses din siya. Alam niyang nagsusuot ng contact lenses si Blossom dahil ang sabi nito sa kanya, malabo raw ang mga mata nit

