"Love makes things complicated." *** UNDERSTATEMENT ang sabihing nagulat si Nikita nang makita si Tita Margarette pa ang mismong sumunod sa kanya sa airport. Pero nangibabaw din naman ang excitement niya na makita ang ginang na tinuturing niyang parang second mother na rin. Kaya binitawan niya ang luggage niya para tumakbo papunta kay Tita Margarette at yakapin ito ng mahigpit. "I've missed you, Tita Margarette!" masaya at sincere na sabi ni Nikita nang kumalas siya sa ginang para tingnan ito. She looked beautiful and sophisticated, as usual. "But what brings you here? You didn't have to pick me up yourself. Nakakahiya naman sa inyo." Ngumiti ang eleganteng ginang at hinawakan ang mga kamay niya. "I have a gift for you, hija." "Really?" excited na tanong niya dahil mahilig siya sa mg

