"Family is irreplaceable indeed." *** "I'M SO SORRY, Princess Cassiopeia," bulong ni Roarke habang marahang hinahaplos ang pisngi ng natutulog na kakambal. Nakahiga ito hospital bed habang siya naman, nakaupo sa wooden stool sa gilid ng kama. Nasa sweet suite sila ng isa sa pinakamalalaking ospital sa Pilipinas. "Because we're hiding your identity as a princess, your safety has been jeopardized. Kung exposed sa lahat kung sino ka talaga, eh di sana nabigyan ka rin ng full protection gaya ng protection na meron ako ngayon." Lowkey lang ang pagbabantay kay Cassiopeia kaya si Xia lang ang Knight na nagbabantay dito. Binabantayan din naman ng mga Knight niya ang prinsesa pero sa oras ng emergency gaya ng paglindol na nangyari, siya ang priority ng security team niya at hindi ang kakambal ni

