We sometimes realize the value of other people after we lose them. *** "YES, MOMMY," sagot ni Brooklyn sa kanyang ina na kausap niya gamit ang phone habang nasa backseat siya ng Lexus niya. He switched to French when he spoke again. "Sinundo nga ni Margarette Serranilla sina Prince Roarke at Cassy Hart sa school kanina. Nitong umaga lang, nagpunta ako sa opisina niya para i-request sa kanya ang pag-o-organize ng welcome party para sa'kin." "Sino sa tingin mo ang totoong Princess Cassiopeia kina Cassy Hart at Blossom Serranilla?" tanong ng mommy niya sa French. "Kung ako ang tatanungin, mas nakakapagduda ang background ni Blossom Serranilla dahil sa pagdating niya sa Serranilla household bilang anak daw sa ibang babae ni Martin Serranilla. Pero ayon sa imbestigasyon natin, wala namang na

