“Life being unfair to everyone makes it fair.”
***
NAPABUGA ng hangin si Koji nang mabasa ang text message sa kanya ng mommy niya: “'Wag ka nang mag-overwork, anak. Just be good to Blossom.”
Binulsa na lang niya ang phone niya at tumayo sa harap ng full-length mirror sa loob ng kuwarto nila sa Borealis Dormitory– ang counterpart ng Aurora Dormitory na para naman sa mga babae.
Malaki ang mga dorm nila pero pinagawa at available lang 'yon para sa mga senior high students. Ang Aurora at Borealis Dormitory, parehong four-storey building at magkatulad din ng disenyo at sistema. Bawat palapag din, naka-allot sa apat na Academic Tracks ng Polaris Academy.
The first floor was for students from ABM Strand, the second floor was for the STEM Strand, the third floor was for the HUMSS Strand, and the fourth floor was for the General Academic Strand.
Ayaw na sanang mag-dorm ni Koji dahil dagdag lang 'yon sa tuition fee na hindi na sakop ng scholarship niya. Pero mapilit ang mommy niya kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito.
Siyempre, hindi naging madali ang pag-ko-cope sa “bago” niyang buhay dahil sa mga bully. But then again, kahit naman no’ng ‘VIP’ pa siya, alam niyang pinagtatawanan na siya ng mga kaklase niya kapag nakatalikod siya dahil ‘entertainer lang’ naman daw ang mommy niya noon sa Japan bago ito nagpakasal sa daddy niya.
Nang ‘bumagsak’ siya sa ‘Class C,’ naging lantaran na ang pang-iinsulto sa kanya. Kinalat pa nga ng grupo ni Chase ang malisosyong tsismis tungkol sa ‘s****l relationship’ daw nila ni Yuki kaya walang ibang gustong maging roommate nila.
Chase and his stupid gang was a bunch of homophobic after all.
“Ang aga mong mag-ayos, ha?” mayamaya ay nakangising bati sa kanya ni Yuki. Magkaiba ang Academic Track nila pero pinagsama sila ng Dorm Leader na si Chase sa isang kuwarto dahil wala nang ibang gustong sumama sa kanila ni Yuki, salamat sa malisosyong tsismis tungkol sa kanila ng kaibigan. “May breakfast date ba kayo ni Blossom?”
Bumuntong-hininga si Koji, pagkatapos ay tumingin siya sa left side ng kuwarto kung nasa’n ang single bed na ginagamit niya. Sa dingding sa gilid ng kama, nakadikit ang malaking poster ng picture nila ni Blossom kung saan nakayakap sa braso niya ang dalaga habang nakapikit at naka-pout ang lips na parang may plano itong halikan siya sa pisngi. Tulog siya sa picture kaya hindi rin niya matandaan kung kelan eksakto kinunan 'yon.
Si Blossom din ang nagdikit niyon sa kuwarto nila at hindi niya 'yon maalis dahil umiiyak ito sa tuwing tinatanggal niya ang poster.
“Bakit ba ang aga-aga pa, tungkol kay Blossom na agad ang sinasabi niyo sa’kin?” frustrated na tanong niya. “She’s just a friend, Yuki.”
“Sure,” natatawang sabi naman nito, halatang hindi naniniwala sa sinabi niya. “But seriously, Koji. You know Blossom is sincere and loyal to you. Wala siyang pakialam sa status ng pamilya mo ngayon. Gano’n siya ka-in love sa’yo. And as your best friend, I like her for you.”
Hindi na lang siya nag-comment dahil ayaw na niyang pahabain pa ang topic na 'yon. Kinuha na lang niya ang knapsack niya na nakasabit sa dingding at mabilis 'yong sinukbit sa mga balikat niya. Binalingan niya ang kaibigan. “I’ll go ahead, Yuki. See you at lunch later.”
Nag-‘okay’ sign ito sa kanya. “Hai.”
Tumango lang siya, pagkatapos ay tumayo siya sa harap ng pinto at nagbilang sa isipan niya gamit ang Nihonggo. Pina-practice pa rin niya 'yon dahil ayaw naman niyang makalimutan ang Japanese language dahil lang wala na ang daddy niya para kausapin siya. Ichi. Ni. San…
Malakas na katok.
I knew it.
Binuksan ni Koji ang pinto ang sumalubong sa kanya ang maganda at maamong mukha ni Blossom. Magkaklase sila sa apat na taon nila sa junior high at nagkahiwalay lang sila dahil sa magkaibang Academic Track nila ngayong senior high. Nasa HUMSS ito at nasa STEM siya.
“Ohayou gozaimasu, Koji-kun!” masiglang bati sa kanya ni Blossom sa cute Japanese accent nito. Her face always lit up whenever she smiled. He couldn’t help but stare at her beautiful features. Liquid brown eyes, pointed nose, naturally rosy cheeks, pinkish lips. And her hair… it was long and wavy, just like a mermaid’s. “Let’s go to school together. First day ngayon ng class kaya kailangan kitang bakuran sa mga freshman na magkaka-crush sa’yo. They have to know that you’re already mine.”
“I’m not yours, Blossom.”
“They have to know that you will be mine soon.” Marahan siyang tinulak ng dalaga para sumilip at kumaway sa loob ng kuwarto. “Ohayou, Yuki-kun! Sosolohin ko muna si Koji, ha?”
“Sure!” mabilis at natatawang sagot ni Yuki. “My best friend is all yours. Ganbatte, Blossom-chan!”
Sasawayin sana ni Koji ang magaling niyang kaibigan na pinapamigay siya. Pero na-realize niyang ang lapit pala ni Blossom sa kanya. Matangkad ito para sa average Filipina height dahil halata namang may foreign blood ito. But still, umabot lang ito hanggang sa balikat niya.
Damn, this girl smelled really, really good.
Biglang tumingala sa kanya si Blossom. Ah, naalala tuloy niya na favorite niya ang ‘eye-smile’ nito dahil hindi pa man din kumukurba ang mga labi nito, nakangiti na agad ang mga mata nito. “Let’s go, Koji.” Gaya ng madalas, yumakap ito sa braso niya at inakay siya pababa ng hagdan. “Did you get enough sleep? Ang sabi ni Yuki sa’kin, muntik ka na raw abutan ng curfew kagabi.”
Namulsa si Koji dahil kung minsan, pasimpleng hinahawakan ng dalaga ang kamay niya. Mabuti na ang sigurado. “I’m fine,” simpleng sagot niya. Pagbaba nila sa common area, napansin agad niya na nakatingin ang mga lalaki kay Blossom. The boys were obviously mesmerized by her beauty and it pissed him off. “Blossom, alam kong adoptive brother mo si Chase na Dorm Leader dito sa Borealis.” Binalingan niya ang babae na inosenteng nakatingala sa kanya. “But please don’t abuse your brother’s authority to trespass our dormitory. Kapag may teacher na nakakita sa’yo dito, malalagot ka.”
Nag-pout ito, halatang nagpapaawa. She would have been annoying– acting like a child and all– but damn, she looked so adorable that he couldn’t stay mad at her. “Okay. Starting tomorrow morning, I’ll just wait for you outside the dormitory.”
Napabuga siya ng hangin at sasabihin sana niya rito na hindi naman 'yon ang gusto niyang sabihin. Pero natigilan siya nang makita si Chase na kalalabas lang ng common kitchen habang may hawak na mansanas. Sa kanila ito nakatingin at nakangisi, halatang mang-aasar na naman.
“Good morning, dear sister,” malakas na bati ni Chase kay Blossom habang naglalakad palapit sa kanila. “Can’t you see that Koji is not interested in you?”
“Good morning, dear adoptive brother,” nakangiti pero halatang naiinis na bati ni Blossom sa lalaki na humarang sa daan nila. “Can you please get out of our way?”
Ngumisi si Chase, pagkatapos, marahang tinapik-tapik nito ang ulo ng dalaga na matalim ang tingin dito. “Dear sister, I’m just worried about you,” sabi nito na may exaggerated ‘concern’ sa boses. “Ayoko lang nakikitang naghahabol ka sa lalaking hindi naman interesado sa’yo.” Binalingan siya nito. “Clearly, Koji is not interested in girls.”
Nagtawanan ang mga ka-dorm nila.
Naikuyom ni Koji ang mga kamay na nasa loob ng mga bulsa niya. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang titigan ng masama si Chase. Kung sasagot pa siya, lalo lang itong mang-a-asar.
“Blossom, Koji is gay,” nakangisi pa rin na pagkausap ni Chase sa adoptive sister pero sa kanya naman ito nakatingin. Halatang pino-provoke siya ng loko. “He will never like you back unless you have the thing that Yuki has.”
Tumawa ng malakas ang mga lalaking naintindihan agad ang bastos na meaning ng sinabi ni Chase. Nagsunod-sunod na rin tuloy ang mga bastos na side comment ng mga schoolmate nila.
“Ohhh… that thing.”
“I bet Koji enjoys that thing every night.”
“Hey, Koji. You already have Yuki’s thing. Can I have Blossom’s blossom?”
Marahas na nilingon ni Koji ang lalaking nambastos kay Blossom. Mumurahin sana niya ito pero natigilan siya nang makitang tumama sa mukha nito ang isang mansanas. Malakas yata ang impact dahil natumba sa sahig ang lalaki habang nakahawak sa dumudugo nitong ilong.
“Tarantado ka, ha!” galit na sigaw ni Chase habang pasugod sa bastos na lalaki. “Kapatid ko 'yon!”
Tutulungan sana ni Koji si Chase pero hinila na siya ni Blossom palabas ng dorm. Nang makita niyang namumula ang mukha nito sa pagkapahiya siguro, hinayaan na niya itong akayin siya paalis. “Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa dalaga no’ng nakalayo na sila sa Borealis at naglalakad na sa Botanical Park kung saan nagkalat ang naggagandahang puno gaya ng golden shower, flame tree, at bougainvillea. May mga concrete tables and benches din na tulad sa mga picnic area kaya kapag break time o uwian, maraming tumatambay do’n. “I’m sorry, Blossom. Nadamay ka dahil sa’kin.”
Humugot ng malalim na hininga si Blossom bago sumagot. “It’s fine, Koji.” Binitawan na nito ang braso niya. “Hindi mo naman kasalanan 'yon. Marami lang talagang bastos sa mundo.”
“I hate Chase but right now, I’m grateful that he’s there to defend you.”
Tinawanan 'yon ng dalaga habang iiling-iling. “Chase didn’t defend me because he’s concerned about me. Ginawa lang niya 'yon para protektahan ang family name namin. Serranillas don’t take insults and malicious comments from other people well. Chase probably thought that it’s his duty to defend my honor because I’m a Serranilla.”
“Hindi talaga kayo magkasundo ni Chase.”
“Well, my family is complicated. Parang mortal sin sa’min ang magpakita ng affection. Ang mas mahalaga, hindi namin i-tarnish ang family name namin kaya may duty kami na i-look out ang isa’t isa.”
Ewan ba ni Koji pero nakaramdam siya ng simpatya para kay Blossom kaya nilabas niya sa bulsa ang isang kamay niya para haplusin ang buhok nito bilang pag-comfort sa dalaga. Hindi niya alam kung ano ang tamang sabihin sa gano’ng sitwasyon kaya tumahimik na lang siya.
The silence between them wasn’t bad anyway. Even without talking, he knew they still both felt comfortable with each other. Walking with her was more than enough to make him feel… happy.
“Koji, look!” excited na sabi ni Blossom na huminto sa paglalakad at hinila ang sleeve ng white button-down shirt niya habang may tinuturo. “The Flame Tree is still in bloom!”
Tumayo siya sa tabi ng dalaga at tiningnan ang tinuturo nito. Medyo napangiti siya nang makita ang ‘Flame Tree’ na sinasabi nito. Nasa gitna ng Botanical Park ang puno at dahil sa kulay ng mga bulaklak niyon, naging pansinin 'yon. Sa pagkakaalam niya, Delonix regia ang tawag sa puno.
The tree probably got its moniker because of its orangey flowers. Dahil nagkumpulan sa tuktok ng puno ang mga bulaklak niyon, naging dark ang shade niyon at nagmukhang pula. Para nga 'yong nagliliyab na apoy sa ibabaw ng mga berdeng dahon niyon. Hence, it was called ‘Flame Tree.’
“I want our first kiss to happen under the Flame Tree.”
Biglang nasamid si Koji dahil sa deklarasyon ni Blossom. Nang lingunin niya ang dalaga, nagulat pa siya nang makitang nakatingala at nakangiti ito sa kanya. Napaatras tuloy siya, nag-iinit ang mga pisngi. “W-what are you saying, Blossom?”
“Binibigyan lang kita ng idea sa gusto kong setting kapag naisipan mo na kong i-kiss,” natatawang sagot nito habang naglalakad paatras mula sa kanya. “I hate to say this but we have to part ways here. Naalala ko kasi na may papanuorin nga pala kaming movie sa Auditorium Hall for our first period.” Nag-pout na naman ito. “Ang hirap talaga kapag LDR.”
“Pa’no tayo naging LDR eh nasa isang school lang tayo?” tanong niya, pero na-realize niyang hindi dapat 'yon ang i-deny niya. “I mean, we’re not in a relationship.”
Tinawanan lang 'yon ng dalaga. “LDR tayo kasi magkaiba ang Academic Track natin– magkahiwalay din tuloy tayo ng class. Pero okay lang kasi para naman 'to sa future natin.” Pinaghugis-puso nito ang mga kamay. “Ganbatte, Koji-kun. Hurry up and become a successful engineer.” Nag-flying kiss pa ito sa kanya. “Then marry me!”
After that brave declaration, she ran away.
Nabilisan si Koji sa mga pangyayari kaya napatitig na lang siya kay Blossom na nakatalikod mula sa kanya habang tumatakbo palayo. Tinatangay ng hangin ang mahaba at aalon-alon nitong buhok, gano’n din ang skirt nito. Naramdaman yata ng dalaga na nakatingin pa rin siya rito dahil habang tumatakbo ito, ipinatong nito sa ulo ang mga kamay nito na nakahugis-puso.
He couldn’t help but laugh softly at her silly antics.
Kawaii.