Yes, Your Highness. *** NAPASANDAL si Cassy sa dingding nang humakbang palapit sa kanya ang mga kaklase niya sa pangunguna nina Brenda at Eloise. May mga unfamiliar faces din siyang nakikita sa likuran ng dalawang babae. Dahil sa pagdating ng prinsipe, busy ang buong school kaya sinabihan muna ang senior high students na mag-"self-study." Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari, hindi na sana siya pumasok ng school. Eh di sana, hindi rin siya ginigisi ng schoolmates niya ngayon! Aminin man niya o hindi pero kinakabahan talaga siya ngayon. Puro babae ang nando'n dahil kanina, pinabalik ang male students sa Borealis Dormitory para raw salubungin ang prinsipe na sa dorm din titira habang sa Polaris Academy pumapasok. "Answer us, Cassy Hart," halatang naiinis na banta sa kanya ni Bren

