Chapter 13: Calm Before The Storm

5181 Words

"To break a system, you might have to break yourself first." *** "ANONG tinitingin-tingin mo d'yan?" nakahalukipkip na tanong ni Roarke sa picture ni Cassiopeia na nakadikit sa dingding ng dorm na pinaghahatian nila nina Koji at Yuki. French ang gamit niyang salita para hindi siya maintindihan ng roommates niya kung sakali mang nakikinig ang mga ito. Hindi niya mapigilang 'kausapin' ang kakambal niya kapag nakikita niya ang poster dahil naiinis talaga siya sa paghahabol nito sa kung sinong lalaki. "Pasalamat ka at mabait akong kapatid kaya hindi kita isusumbong kay Mommy. Pero hindi talaga tama 'to, eh. Wala naman akong makitang special sa lalaking 'yon. Ni hindi nga siya nagsasalita kapag hindi kinakausap." "Uhm, Roarke?" Nalingunan ni Roarke si Yuki na napansin niyang may pag-aalala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD