Valeria Serrano's POV
"Paano ka nakapunta rito? Who sent you?" sunod-sunod na tanong ni Maximilian.
Kaming lahat ay nakatingin lang sa bata, at kitang-kita ko kung paanong unti-unting kumunot ang kanyang noo... kumikislap ang mga mata at nagbabadyang umiyak.
"You're scaring her!" asik ni Dae-hyun. Bahagyang itinulak si Maximilian na kasalukuyang kinakamot ang ulo.
Nakasandal lang ako sa pintuan, naka-krus ang mga braso at tahimik silang pinapanood.
"Any thoughts?" Leandro asked. His voice was low and full of curiosity.
I let out a deep breath and simply shook my head.
"I just found her in the woods. Nasa loob siya ng sako, nakatakip ang bibig at nakatali ang kamay at binti," paliwanag ko at muling nagsalubong ang aking kilay.
Hindi ko kasi lubusan maisip kung papaano nila iyon nakayanang gawin sa isang bata. This girl is innocent and too young to experience those things.
"What should we do to her? I already told Sovrano about this incident. And he wants us to decide on this.." Wika niya.
Sandali ko siyang tiningnan bago muling ibinalik ang tingin sa batang babae. Pero agad na nagsalubong ang kilay ko nang mapagtanto kong nakatingin ito sa akin. Wala akong ibang naging reaksyon at tumalikod lang para sana umalis.
Pero natigilan ako nang maramdaman ko ang pagyakap ng maliit na pares ng kamay sa hita ko.
"Saan ka po pupunta? iiwan mo ako sa kanila?" tanong nito. Nanginginig ang boses... alam kong takot na takot siya.
Slowly, I turned my gaze on her. And the first thing I saw was her trembling hands wrapped around my thighs.
Napailing ako. Wala na akong mapagpipilian pa kundi ang asikasuhin ang batang 'to. Ako ang nakakita sa kanya kaya pakiramdam ko ay obligasyon kong bantayan siya.
"Hey little girl.. Let's go to your room. This lady is busy--"
"Okay lang. Ako na bahala sa kanya," pagputol ko kay Dae-hyun. At nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay may bahid ng gulat sa kanyang mga mata, pero agad din iyong nabura ng makumpirma niyang hindi ako nagbibiro.
"Magsi-alis na kayo sa harapan ko. Lalong-lalo kana, Maximilian," asik ko sa kanya at gulat na gulat siya ng lingunin niya ako.
"Bakit ako? wala naman akong ginaw--"
"Oh shut up!" pagsingit ni Riven sabay takip ng kanyang bibig.
He dragged him out. And the others followed them. Kaya ako na lang at ang batang babae ang naiwan.
Nang tuluyan na silang nawala sa paningin ko at doon ako nagbaba ng tingin sa bata. At gaya nang kanina ay nakatingala pa rin ito sa akin, para bang pinapanood niya bawat galaw na ginagawa ko.
"Let's go to your room..." sambit ko.
Sunod-sunod siyang tumango at napamaang ako ng abutin niya ang kamay ko at hinawakan iyon.
Napalunok ako at sandaling tinitigan ang kamay kong hawak ng bata. I couldn't blame myself to be this stunned, because I've been trying to avoid different kinds of emotions.
Ayaw kong makaramdam ng kahit anong emosyon. At kahit kaunting kalambutan man lang sa katawan ay hindi ko ipinapakita. And I'll be more happy when someone fears me.
But this kid is different. Instead of crying the moment she sees my face, she did the opposite. She shown me some affection and trying to be clingy with me.
Napabuntong-hininga ako. At gamit ang kaliwa kong kamay ay hinilot ko ang aking sentido.
We hold hands as we started walking towards her room. Marami naman kasing bakanteng kwarto rito sa safehouse. And I chose the one beside my room so I could watch her.
"Is this my room, Ate Ganda?" aniya ng makapasok na siya sa loob ng kwarto.
At hindi ko mapigilang matawa nang bahagya ng marinig ko kung anong tawag niya sa akin.
"Ate Ganda, huh?" sa isip ko habang pinapanood ang batang masayang naglalaro sa ibabaw ng kama.
"Hindi mo talaga alam kung sino ang nagdala sa'yo rito?" mahinahong bigkas ko. At dahan-dahang naglakad papalapit sa kanyang kama.
Ilang sandali pa ay ibinaba niya ang hawak niyang laruan at unti-unti niya akong nilingon.
"They said... they would give me a lot of toys, then...." aniya at bigla akong naalarma ng makita ko ang muling panginginig ng kamay niya.
Mabilis akong lumapit sa kanya. Inangat ko siya at ipinatong sa kandungan ko.
"Let's not talk if it's making you nervous..." bulong ko.
Hinahayaan ko siyang ibaon sa dibdib ko ang kanyang mukha habang patuloy ako sa pagpapatahan sa kanya.
Ano ba kasi talaga ang nangyari sa 'yong bata ka?!
Makalipas ang ilang minuto at napansin ko na ang paggaan ng kanyang paghinga. Puno ng pag-iingat Kong sinilip ang kanyang mukha at nakahinga ako nang maluwag ng makita kong nakapikit na ang kanyang mga mata.
"Buti naman...." usal ko.
Tumayo ako habang buhat-buhat pa rin siya. Pagkatao ay inayos ko ang magiging unan niya at saka siya dahan-dahang inilapag.
"It's been a while..." sambit ko sa kawalan habang inuunat ang braso ko.
"Hindi talaga birong mag-alaga ng bata. Kaya wala pa akong balak na magkaanak.." sa isip ko habang nakatitig sa bata.
Nanatili pa akong nakatayo sa kanyang harapan... mahigit sampung minuto rin kasi hinihintay ko na baka magising siya at umiyak na naman.
Pero mabuti na lang at hindi iyon nangyari kaya lumabas na ako sa kwartong iyon. At nang makalipat na ako sa kwarto ko.
Bubuksan ko na sana ang kwarto ko nang mapansin ko na parang may dumaan sa kaliwang direksyon mula sa kinatatayuan ko.
Nagpanggap akong walang narinig at maingat na sinilip ang direksyon kung sana ko nakita ang aninong dumaan.
Nakatingin lang ako doon at naghintay kung sino ang susulpot, pero kahit isang tao ay wala. Pero alam kong meron kasi ramdam ko.
Mula sa aking bewang ay dahan-dahan kong binubot ang b*ril. Maingat na humakbang habang nakatutok sa hataon ang hawak kong b*ril. At nakahut nakatuon ang tingin ko sa harapan ay alerto pa rin ang pandinig ko sa paligid.
"Stop playing hide and seek you f*cker..."
Tuloy-tuloy ako sa paghakbang hanggang sa natanaw ko ang anino na patungo sa kinaroroonan ko. Sobrang lapit na niyo kaya huminto na ako sa paghakbang at nagtago sa likuran ng pader.
"You're d*ad now...." nakangising sambit ko.
At nang matanaw ko na siya ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko. At diretsyo itinutok sa kanya ang b*ril.
"Who sent you?!"
TO BE CONTINUED