JENNY POV "Ano ka ba? Abnormal ka bang lalaki ka ha? Nakikita mo bang may babae rito tapos mag huhubad ka ng ganyan?" tanong ko pang pagalit. "Oo na! Mag bibihis lang ako, ayaw ko lang talagang makapitan ako ng amoy ng alak kaya naligo ako. At pasensya na kung naglinis ka rito ha? Makalat kasi talaga ang kwarto ko kapag umaalis ako. Pero marunong naman akong mag linis. Sadyang nadatnan mo lang na marumi dito," pagpapalusot niya pa sa akin. "Sabihin mo sa akin kung tapos ka nang mag bihis para naman pwede na akong lumingon. Baka mamaya niyan ay magkaroon pa ako ng stiff neck eh." "Tapos na akong mag bihis, kung gusto mo pwede pala kitang pahiramin ng mga lumang damit ng ate ko. Pwede ka ring maligo sa cr kung gusto mo." Ayaw ko naman na maamoy ni Ninong Jonas ang alak sa katawan ko k

