JENNY POV "Naks, tinago mo kaagad yung sobre ha? Pero okay lang yan, lahat naman tayo ay gusto ng pera," sabi niya, ni lock niya ang pintuan at pumasok ito sa loob. Hinagis niya sa akin yung tubig na nasalo ko naman kaagad. Sa uhaw ko ay naka kalahati kaagad ako sa iniinom kong tubig. Samantalang siya naman, nilapag niya ang tubig at nagpunta siya sa cr. Pag balik niya ay nag start na ako sa pag tuturo ko sa kanya. Habang nag tuturo naman ako sa kanya, wala na siyang ibang ginawa kung di ang titigan ako. Hindi ko na lamang siya pinansin, sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa pag tuturo sa kanya. Kaya sana naman ay may matutuhan siya ngayon sa akin. Nang matapos na akong magsalita, nanatili lamang na nakatigin sa akin si Lester. "So ano ha? Ikaw ba ay nakikinig sa akin o sadyang na

