Chapter 86 Part 01 Zhannia AFTER our encounter two days ago, I decided na pumasok na sa ospital, and I haven't heard any news about him. But that was okay, mas nangingibabaw ang saya at excitement sa aking pagbalik. Limang taon din akong nawala, at ngayon balik na ako bilang doktor, parang everything was a fresh start. Malaki ang pinagbago ng ospital. Ang dati kong clinic na nasunog ay nilipat sa second floor. Wala na ang bakas ng sunog; lahat ay naayos at nabago. Nalungkot lang ako dahil wala na rito si Dr. Dizon umuwi raw sa kanilang probinsiya at doon nagpatayo ng sarili niyang clinic. Pero ang hinangaan ko sa lahat ay si Khail; talagang napaunlad niya ang ospital at naipalakad ng maayos. Maraming progressive na proyekto ang isinagawa, tulad ng pag-update ng mga kagamitan at pagpapa

