Chapter 70 Part 02 Zhannia "OKAY!" sagot ni Khail. Wala na siyang nagawa kundi ang umalis ng bahay. Nang maramdaman kong nakatalikod na siya, bahagya akong lumingon. Nakita ko ang pagbaba ng mga balikat niya bago tuluyang naglakad palayo. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ako ang mas nasasaktan? "Michi," tawag ko sa batang malungkot na sinusundan ng tingin ang palabas na Khail. Ito siguro ang tinatawag nilang lukso ng dugo. Kung bakit parang ganito ang attachment nilang dalawa, kahit hindi pa nila alam kung magkaano–ano sila. "Pumasok ka sa kwarto. H'wag kang makulit! Hindi ka sasama sa kanya. Hindi mo siya kilala." Tumaas ang boses ko, at kitang–kita ko ang gulat ni Michi. This is the first time na tinaasan ko siya ng boses. Biglang namuo ang mga luha sa mga mata niya, at bag

