Chapter 75 Zhannia "SUMUNOD ka sa bahay pero sa sahig ka matulog." Sabi ko sa kanya bago ako tumalikod sa kanya. Habang naglalakad ako pabalik sa bahay, malayo pa lang, nakita ko na si Adrian na naghihintay sa akin sa may balkonahe nakahawak siya sa railings. Nang makarating ako isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya. Mabilis akong lumapit sa binata, at bago pa siya makapagsalita, niyakap ko na siya nang mahigpit. "I'm sorry, Adrian," mahina kong sabi, ramdam ang pagod at bigat ng lahat ng nangyari sa buong araw. Ramdam ko ang pag–aalala ni Adrian, ngunit naririnig ko rin ang malalim niyang buntong–hininga bago ako niyakap pabalik. "It's okay, Yanna," kalmado niyang sabi, may bahid na pang–unawa ang tinig niya. "Tiis lang, Yanna. Diba, ito ang gusto mo?" Dumistansiya siya ng k

