It was late afternoon nang pabalik na sina Hanna at Kurt sakay sa minamaneho nitong Sportivo. "I'm sorry it took longer than I thought."ani Kurt."Wala palang stable na trabaho itong si Dean Borja, kaya ang hirap hagilapin ng taong yon." "Nag-aalala lang kasi ako para kay Logan."sabi naman ni Hanna. "Hindi mo na kailangan pang mag-alala para kay Logan. Kaya na nya ang sarili nya. Ngayong kumpirmado na-- na si Dean Borja ang taong sumusunod sayo kahapon, kailangang mailayo ko kayo ni Logan sa Santa Rita sa lalong madaling panahon." Napakagat na lamang si Hanna sa kanyang pang-ibabang labi. "Hindi ako makapaniwalang involved dito si Eman Wando. Mukha kasi syang mabait." Napakibit-balikat naman si Kurt."Looks can be deceiving Hanna. Kadalasan kasi sa mga taong sumali sa

