[Athena’s] Kinagabihan ay hindi na naman ako magkandaugaga sa pagsaway sa kambal dahil may kung ano na namang pinag-aawayan! Naririnig kong nababanggit pa nila si Kit kaya mas lalo akong napapairap! “I will ask Daddy to teach me how to play this!” narinig kong sambit ni Alas pero inagaw kaagad ni Kali ang magazine na hawak niya kung saan may tinuturo yata siyang musical instruments mula doon. “Me? This! I will ask Daddy to teach me how to play this! And this! This one too!” tuloy-tuloy na bulalas ni Kali habang nagtuturo ng kung anu-ano doon. Muling inagaw ni Alas sa kanya ang magazine at nagturo pa ulit doon ng instrument na gustong ipaturo kay Kit. Hanggang sa nag-agawan na sila sa magazine at napunit iyon dahil sa higpit ng kapit nila! Ngayon ay pareho na namang nag-iiyakan at kan

