[Athena’s] “Why is Mommy not getting out of bed, Daddy? Is she sick?” Kanina ko pa naririnig na bumabalik sina Kali at Alas sa kwarto para i-check kung gising na ako. Kahit na si Kit ay mukhang kanina pa bumabalik dito para tingnan kung gising na ako. Isang oras na yata akong mahigit na gising at sinasadya lang na ‘wag bumangon dahil hindi ko matanggap na nagawa ko ang mga ginawa ko kagabi! Kahit ang kapatid kong si Hector ay paniguradong tuwang-tuwa dahil sa susunod na magkita kami ay may gagamitin na siya para ipang-asar sa akin! “She’s probably just tired last night. You can go back to the playroom and wait for Mommy to wake up…” narinig kong paliwanag ni Kit sa dalawa na mukhang agad naman niyang napasunod dahil ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagtunog ng pinto na hudyat n

