[Athena's] Sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ang gumising sa akin. Sumubok akong gumalaw para kusutin ang mga mata ko pero may nakadagan sa mga braso ko kaya agad akong dumilat at nabungaran kagaad ang mukha ni Kit! Tulog na tulog pa siya kaya nag-init ng todo ang mga pisngi ko nang mapagtanto ang posisyon namin at kung saan kami kasalukuyang nakahiga! Mabuti na lang at maluwang ang couch dito sa kwarto niya pero hindi ko talaga alam kung paano kaming nagkasya dito dahil bukod sa sobrang tangkad niya ay malapad ang mga balikat. Kung tutuusin ay siya lang sana ang pwedeng humiga dito dahil kaya niyang okupahin ang buong couch. Pero dahil dito niya ako inangkin kanina ay dito na rin niya ako pinatulog at hindi na pinabalik sa kabilang kwarto! Mas lalong nag-init ang buong mukha ko

