[Athena’s] Uno was holding a bouquet of red roses when I saw him in the foyer of our house. Ngayon ko lang napagtanto na kaya naging gano’n ka bayolente ang reaksyon ng kapatid kong si Hector ay dahil may dala-dala si Uno na bulaklak kaya siguro kung anu-ano na kaagad ang iniisip sa aming dalawa! Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatingin kay Uno na mukhang hindi pa napapansin ang pagdating ko dahil nakatutok ang mga mata sa screen ng phone. “What brought you here, Director Armani?” nakangising biro ko nang tuluyang nakalapit sa inuupuan niya. Mabilis na tinapos niya ang kung anong ginagawa sa phone at saka agad na tumayo para i-abot sa akin ang bouquet of red roses na hawak-hawak. “For you, Athena…” sambit niya at ngumiti sa akin. Nanliit kaagad ang mga mata ko habang nakatingin

