[Athena’s] Simula noong gabi na hinatid ako ni Uno ay hindi na tumigil si Hector sa kakatanong sa akin kung pinopormahan daw ba ako ni Uno. Syempre ay hindi ko sinasagot ang mga tanong niya kaya inis na inis sa akin. Pero mas nakakapikon ang iginaganti niyang pang-asar sa akin dahil palagi siyang nagpapasaring tungkol kay Kit! “Are you really not going to tell me what’s the real score between you and the guy who drove you home last time, Ate?” narinig kong pangungulit na naman ni Hector isang umaga ng weekend. Dahil nandito kami ay tuwang-tuwa siya at kahit malayo ang Mijares Trine dito ay dito na muna sila tumutuloy para may makasama ako at ang kambal. Isang linggo na ang nakakalipas simula noong nangyari ang paghatid sa akin ni Uno mula sa isang event ng Fab Strings pero mukhang hangg

