[Athena’s] Pagdating sa unit ni Kit ay agad kong sinabihan ang mga nag-aalaga sa kambal na sila na muna ang bahalang mag-asikaso sa dalawa. Buong byahe pauwi dito ay mabigat na mabigat ang dibdib ko. Gusto kong umiyak pero ayaw kong makita ng kambal dahil paniguradong hindi sila titigil sa kakatanong kung bakit ako umiiyak. Pero wala pa akong ilang minuto sa kwarto ay sinabihan na ako ng isang tagapag-alaga ng kambal na may bisita sa labas. “Sige na, Lucy. Ako na ang bahala,” sambit ko nang makita at makilala sa security panel kung sino ang nasa labas. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago tuluyang humarap sa kanya. “Anong kailangan mo?” pormal na tanong ko sa kaibigan ni Queenie na pinakilala niya mismo kay Kit noong kasal namin. Kahit naman isang beses ko lang s

