SAGAD sa buto lahat ng sakit na dinanas niya, hindi siya pwedeng magpadala sa pagiging martir. Nakaupo sa kanyang opisina si Grey at hindi mapakali. Pumasok ang kanyang sekretarya, “Sir, may naghahanap po sa inyo.” saad nito. “Papasukin mo.” sagot ni Grey. Pumasok ang isang matangkad na lalaki, “Good morning sir. ” anito. “Tinawagan kita dahil may ipapa imbestigahan ako sa iyo.” Grey handed a paper. Kinuha iyon ng lalaki at tinignan. “That is Karrie Villa Montanaro, Gusto ko malaman ang buong pagkatao ng babaeng yan. Kung saan siya nagmula.” saad ni Grey. “Give me 3 days Sir. I'll be back here by Saturday.” sagot ng lalaking spy. Tumango si Grey at tuluyan ng umalis ang lalake. Magkasama sina Karrie at Jong sa isang restaurant habang nag la-lunch. Nagpa sulyap sulyap si Jong sa kanya

