“Sir Blake bitawan nyo po ako.” Pagmamakaawa ni Bella. Mahigpit syang hinawakan ni Blake sa magkabilang kamay. At pinag hahalikan sya nito sa leeg. Pilit lumulugnot si Bella ngunit napakalakas ng lalaki. Hindi nya kaya ang lakas nito. Umiiyak sya , hindi nya alam kung papaano makawala sa kababuyan ni Blake. “Wag kang umiyak iyak diyan! Sanay na sanay kana sa bagay na ito diba?!” At sabay hawak sa kanyang dibdib, pinunit pa ni blake ang kanyang blouse. Blake is a drug addict. Wala na sa tamang katinuan. Nagmamakaawa si Bella na wag na ituloy ang masamang balak nito.
Ngunit hindi nakinig si Blake sa kanya. Nang may nagbukas ng pinto! Si Sir Paulo! Agad na sinuntok ni Paulo si Blake at natumba ito. Sinundan pa ng isa pang malakas na sipa at tuluyan na itong nawalan ng malay. Niyakap ni Bella si Paulo. Dali dali na rin syang nagbihis bahagyang nakita ang kanyang dibdib sa ginawang pagpunit ni Blake sa kanyang suot . Tumawag na din ng police si Paulo, maya maya ay nakarating na ang mga Police at dinampot si Blake na nagkamalay na. “Kakaiba ka talaga Bella! Hindi pa tayo tapos!” sabi ni blake na napatawa ng pagkalakas lakas at pilit kumakalas sa pagkahawak ng pulis. Takot na takot si Bella sa mukha ni Blake parang gusto syang patayin nito. Nakakatakot ang mga titig na binitawan ni Blake sa kanya. Kahit papaano'y nakahinga sya ng maluwag dahil alam niyang nasa kamay na ito ng mga police.
Inihatid na ni Sir Paulo si Bella. Nagpasalamat si Bella. Kung hindi dumating si Paulo ay ano na kaya ang kahihinatnan nya. “Bella mag iingat ka ha.” Ngumiti ito at kumaway pa sa kanya nang ito'y paalis na.
Dala dala parin ni Bella ang trauma na sinapit nya kanina. Wala syang plano sabihan ang kanyang tiyahin sa nangyari dahil ayaw na rin nyang mag alala pa ang kanyang tiyahin at baka malaman pa ng kanyang inay at itay sa probinsya. Pumasok na sya sa loob ng bahay, naligo at nagpahinga. Hindi mawala sa kanyang isip ang nangyari kanina. Nang marinig nyang may tumatawag sa cellphone nya. Si Grey iyon. At ayaw nyang sagutin ang lalaki. Masama ang loob niya kay Grey. Nung una dahil sa mga videos na nakita niya. Ikalawa, wala sya doon sa oras na kailangan nya ito. Hindi nya sinagot ang tawag at ini Off na lamang ang cellphone. “Grey, wala ng rason para magpatuloy pa tayo.” tugon ni Bella sa isip.
Ilang oras na ang nakalipas nakatulog na si Bella. Sobrang stress nya sa araw na ito at hindi na sya kumain pa. Wala syang gana, kaya itinulog na lamang ang sama ng loob.Alas diyes ng gabi, kumakatok ang kanyang tiyahin sa silid nya. “Bella, iha. Andito si Grey hinahanap ka.” Nagising si Bella sa tawag ng tiyahin sa kanya. Ayaw nyang lumabas, ayaw nyang makita ang lalaki. Ngunit nahihiya naman sya sa tiyahin nya kung hindi sya lalabas. Baka isiping wala syang respeto dito.
Nang nakalabas sya , Hindi nagdalawang isip si Grey na yakapin sya sa harap ng kanyang tiyahin. “Ah. Maiwan ko muna kayo.” At tumungo na ang kanyang tiyahin sa kanyang silid.
Ayaw magsalita ni Bella. “Babe I'm sorry. Alam ko na ang nangyari. Kung andun lang ako baka napatay ko pa yung mokong na yun. That jerk!” Sabi ni Grey.
“Really?” tumulo ang luha ni Bella. “Really Grey? You take advantage on me! At baka nga ikaw pa ang nag utos sa kaibigan mo para gawin iyon sa akin!” bumuhos ang luha sa mga mata nito.
“What are you saying Bella? Hindi ko magagawa sa iyo yun! Mahal kita!”
“Yeah Grey! But how about the video scandals?” Sinadya mo ba yung e send sa akin? Ano bang kasalanan ko sayo at ginagawa mo to!” Iyak ng iyak si Bella. Ibinuhos lahat ng sama ng loob. “Bella what videos? I don't know. Ano bang videos ang sinasabi mo?” tanong nito sa kanya. And She hands her phone to Grey. At nanlaki ang mga mata ni Grey. s*x scandals nya iyon kasama ang iba't ibang babae.
“Yes Bella I admit, ako ang nasa videos na iyan. Pero matagal na iyan.Nagbago na ako Bella. Simula ng makilala kita. Mahal na mahal kita Bella.” Paliwanag nito sa babae. “Saan ka sa panahon na kailangan kita Grey! Mahal mo nga ako! Pero nasaan ka?” Iyak na sambit nito.
“Bella, I want to be honest. I went to Reign's place. She told me that she is pregnant at ako daw ang ama. Sinabi nyang magpapakamatay sya pag hindi ako pumunta at madadamay ang anak ko.” Grey said seriously.
“Buntis? At ikaw ang ama? Nasagot muna lahat ng tanong ko Grey, pwede kana umalis!” At patakbo itong nagtungo sa kwarto. Alam ni Grey na gulong gulo pa ang isip ni Bella kaya't hinayaan na lang muna nya ito makapag pahinga. Hindi akalain ni Grey ganun ang kahahantungan ng lahat ng ginawa nya. Pero totoo ang sinasabi nito. Nagbago na sya. Handa syang magbago para kay Bella.
Maagang nagising si Bella, at nag impake ito, magdamag syang gising para sa isang plano. Inilagay sa isang malaking maleta ang kanyang mga gamit. Nakabihis na din ito. Ginising ang tiyahin nya at sinabi lahat ng plano nya. “Auntie maraming salamat po sa pagpapatuloy nyo sa akin dito, kailangan ko na pong umalis auntie.” sabi ni Bella. “Patnubayan ka sana ng Diyos iha, mag iingat ka.” maiyak iyak na sabi ng kanyang tiyahin.
Nagpaalam na si Bella at sumakay ng taxi. Gusto muna niyang lumayo. Gusto muna nyang mapag isip. Kalahating araw ang byahe at nakarating sya sa isang maliit na apartment na pagmamay ari ng highschool friend nya sa probinsya na lumipat ng Maynila. Bumaba sya at sinalubong sya ng kanyang kaibigan na si Kate. “Bella!! Kumusta kana! Ang ganda mo na ah!” Masayang bati ng kaibigan. “Ok lang ako, ikaw kumusta kana ba. ” bati rin nya sa kaibigang si Kate.
Sinamahan sya ni Kate papasok sa uupahan nya. Maliit lng ang bahay, ngunit mas okay na rin para sa kanya kahit maliit atleast peaceful syang maninirahan doon. “Alam mo Bella, masaya akong nakita kita. ” May lumapit sa kaibigan na dalawang bata babae at lalake. Ipinakilala ito sa kanya. Mga anak na pala ito ni Kate. “O siya, maiwan na muna kita at para makapag pahinga kana rin. ”Ngumiti si Kate sa kaibigan at lumabas na.
Nagustuhan ni Bella ang uupahang bahay. Tahimik at malayu sa mga taong nanakit sa kanya. Nagpahinga na muna sya at bukas na niya iisipin kung saan makakahanap ng ibang trabaho.
Nakatingin sa isang sulok ng kanyang opisina. Naiintindihan naman ni Grey kung bakit hindi pumasok si Bella sa trabaho. Naisipan nyang puntahan nalang ito mamaya pagkatapos ng trabaho. Nang matapos na ang trabaho ay agad na pumunta si Grey sa bahay ng tiyahin ni Bella.
“Tao po.” Habang kumakatok sa Gate. Lumabas ang tiyahin ni Bella. “Auntie si Bella ho?” Tanong nito. “Iho paggising ko wala na sya, wala na rin lahat ng mga gamit nya. Hindi sya nagpaalam, nag aalala narin ako sa kanya. ” Palusot ng tiyahin ni Bella. Mukhang nakumbinsi naman nito si Grey at nagmamadaling kinuha ang cellphone nya para tawagan si Bella. (The number you Dial is out of coverage area.)
Nag aalala na si Grey kung nasaan si Bella. Sana ay okay lang ito kung nasaan man ito. Pumunta si Grey sa Police Station naghihintay sa lamesa. “Blake Watts may gustong kumausap sa iyo!” Napangisi si Blake dahil alam niyang si Grey ang taong iyun. Inaasahan niya talaga ang pagpunta nito. Nang makalapit na ito sa lamesa kung saan naghihintay ang umaapoy sa galit na si Grey. Agad na Sinuntok nito ang kanyang pagmumukha. Ngunit tumawa lamang eto. “Grey! Grey! nasa college palang tayo ay inaagaw muna ang babaeng gusto ko!” pumalakpak ito. “Anong pakiramdam bro?!” Malakas na tinig ni Blake.
“Nasaan si Bella?! Ha?! Nasaan siya?!” Galit na wika nito.
“O bro nawawala ba sya?!! Baka naghanap na yun ng ibang lalaki! That b***h!!!” tawang tawa na sabi nito. “Pag nalaman kung may masamang nangyari kay Bella papatayin kita!! Tandaan mo yan!!” Galit na galit na umalis si Grey. ‘Asan ba kita hahanapin Bella, nasaan ka ba.’ anito sa isipan.
Habang nag da-drive nag ri-ring ang phone nya. Kanina pa tumatawag si Reign. “Grey asan ka naba masakit ang tiyan ko.” Imbis maghanap kay Bella bumalik ng daan si Grey. Anak na nya ang pinag uusapan. Ayaw nyang madamay ang anak ng dahil sa pinag gagawa nya.
Napangisi si Reign. ‘Ang galing ko namang umarte at paniwalang paniwala si Grey sa akin’. Bulong nito sa sarili. Lintik na Blake na yan! Binuntis ako! Pero salamat na rin sa kanya at nang dahil sa batang to mapapalapit uli si Grey sa akin, ito ang magiging alas ko Grey. Tumawa ito ng malakas. Ang buong paniniwala ni Grey anak nya ang batang dinadala ni Reign.
Gabing gabi na, Ang taas ng tulog ni Bella. Nagising siya alas onse na nang gabi. Siguro dahil iyon sa mahabang byahe kanina. Napagud sya ng husto. Gutom na gutom na din sya. Tumingin sya sa labas wala ng mga tao doon. Mukhang tulog na rin ang kaibigang si Kate. Naisipan niyang mag order nalang online. Buti nalang at mayroong 24hours open na fast food. Nag order siya ng Fish fillet with rice , gravy and Iced tea na drink. Sinamahan pa nya ng fries. Wala pang 20minutes ay dumating na ang order niya. Gutom na gutom na sya kaya't binuksan nya agad ito at kumain. Nang bigla syang nasusuka.
Tumakbo sa lababo, at sinuka ang lahat ng kinain nya. Hindi nya maintindihan. Masarap naman ang pagkain pero bakit hindi tinatanggap ng kanyang tiyan. Iniisip nya baka dahil lng iyon sa stress. Baka pagod na pagod lng sya. Kaya yung fries nalang ang kinain nya. At hindi naman na sya sumuka dun. Pagkatapos ay natulog na sya.
Kinaumagahan, maaga syang bumangon at naligo. Pagkatapos ay pinuntahan ang kaibigan na si Kate. “Bella Good Morning sayu.” bati ni Kate. “Good Morning din Kate.” masayang balik bati nito. Nakita nyang naglalaru sa labas ang mga anak nito. Masaya syang nakamasid aa dalawang bata na naglalaro. “Bella maiwan muna kita dyan, at magluluto pa ako ng ulam.”
Habang nakamasid sa mga bata ay may naamoy syang ginigisa na bawang at sibuyas. Bigla na lamang nyang gustong sumuka. Ayaw nya sa amoy, tumakbo sya sa Lababo ng inuupahan nya at duon nagsusuka sya. Hindi pa naman sya kumakain ngunit nagsusuka pa rin sya. Tumakbo ang mga bata sa kanilang ina at sinabi dito na nagsusuka si Ate Bella nila. Agad naman tinapos ni Kate ang nilulutong cornbeef. At pinuntahan agad si Bella.
“Bella, anong nangyari sayu?.” tanong ng kaibigan na labis nag aalala sa kanya. “Kagabi pa ako sumusuka Kate eh, at ngayun naamoy ko iyong ginigisa mong bawang ay bigla nalang akong nahilo at nasusuka.” Paliwanag ni Bella sa kaibigan. Ngumiti ang kaibigan ni Bella. “Hintayin mo ako dyan at may kukunin lang ako.” Madali naman ito nakabalik galing sa bahay niya.
“Heto Bella , subukan mong mag P.T. Pregnancy Test.” sabi ni Kate. Nagulat si Bella, Pero sinunod ang sabi ng kaibigan. Binasa nya ang instruction. Pag isa lang ang lumabas na linya ibig sabihin Negative ito. Ngunit kapag dalawa ang lumabas na linya ibig sabihin ay buntis sya. Nagawa na ni Bella ang test at nandoon parin sya sa loob ng C.R. habang naghihintay sa resulta.
Ilang minuto ay tinignan nya ang result. Nagulat sya, dalawang linya ang lumabas. Ayaw nyang maniwala. Pero totoong totoo buntis sya! Hindi sya makapaniwala nagbunga ang ginawa nila ni Grey sa maikling panahon. Lumabas sya ng Cr. At ipinakita sa kaibigan ang resulta. Labis ang tuwa ni Kate ng malaman na buntis sya. Ngunit nalungkot din ito ng malaman ang sitwasyon nila at sa ama ng dinadala nya. Napahawak si Bella sa tiyan nya. At bumulong “Wag kang mag alala anak, nandito lang si mama. Handang maging mama at the same time maging papa mo rin.”
“Samahan kitang magpacheck up bukas Bella. ” Masayang sabi ni Kate. At nagpasalamat si Bella sa kaibigan na nagmamalasakit sa kanya.
Isang linggo na ang dumaan. Maagang naghanda si Reign. May apointment sila sa doctor ngayung araw. Laging magkasama sila ni Grey kapag nagpapacheck-up .Excited sya maging ama. Ngunit sa kabila nang lahat hindi parin maiwasang mag isip kung nasaan na ang kaniyang kasintahan na si Bella. Namimiss na nya ito. Ngunit wala siyang magawa, alam nyang gusto muna ni Bella ng space. Kaya ibibigay niya ito sa kanya kung iyon ang gusto niya. Handa syang maghintay kahit kailan, kahit matagal basta't bumalik sya. Kung gugustuhin niyang hanapin si Bella, pwede syang mag hire ng private agent, ngunit hindi nya ginawa dahil gusto niya bigyan ng espasyo ang babaeng mahal nya.
Maaga din gumising si Bella. Nakasuot sya ng dress at naka sandal lang sya. Masaya syang nakatitig sa salamin. Hindi na sya yung dating Nerd na binubully ng lahat. Magandang babae lang ang nakikita nya sa salamin, malaki ang pinagbago nya nung hindi na sya nagsusuot ng makapal na salamin sa mata. Malaki ang pasasalamat nya sa kaibigan na si Grace dahil sa kanya nagbago ang kanyang panlabas na anyu. Kung gaano ka ganda ang kanyang kalooban ay sya rin ganda ng kanyang mukha.
Nagdesisyon si Bella na huwag na muna ipaalam sa kanyang mga magulang ang sitwasyon nya. Matatanda na ang mga ito, ayaw nyang mag alala sa kanya. Sila ang pinakaka ingatan ni Bella sa lahat ang mahal nyang mga magulang. Si Kate lamang ang nakaka alam ng kanyang sitwasyon sa ngayon.
Tinawag na siya ng kanyang kaibigan. “Bella, halika na, aalis na tayo.” sabi ni Kate sa kanya. Dayoff ng mister ni Kate kaya eto lang muna ang maiiwan upang mag aalaga sa kanilang dalawang anak. Sumakay na ng taxi ang dalawa. Hindi mapigilan ni Bella na kabahan. Pero kahit na ano pa basta't para sa anak ay gagawin nya ang lahat.
Nasa ospital na sina Grey at Reign. Pumasok sila sa clinic ng Obgyne ni Reign. Habang naghihintay sa Doktor, kitangkita ni Reign kung paano tignan ng secretary si Grey. Para bang inaakit nito si Grey. “Excuse me Miss?! Kasama ba sa trabaho mo ang manlandi ng asawa ng may asawa?” irap nito sa sekretarya. Nahiya ang secretary sa ginawang pagpahiya sa kanya. Hindi lang sila ang naroon. “What are you doing Reign? Don't make a scene! Please! Wala kanang pinipiling lugar!” Bulong ni Grey kay Reign.
Hindi parin tumigil si Reign.“Ang mga kagaya nito dapat tinatanggal sa trabaho! Yan nagbibigay ng malas sa paligid eh!” She rolled her eyes.
“Reign!!” Grey said in loud tone. Finally nakapagsalita na rin ang secretary. “No sir, okay lang. Lalabas nalang ako para hindi ma estress si MADAM!!” Kalmadong sabi nito na tinitigan si Reign. At gumanti naman ito ng masamang tingin sa sekretarya.
“Reign andito tayo para sa bata, hindi para makipag away. ” wika ni Grey na pikon na pikon na sa inaasal ni Reign.
Kung anong kasing sama ng ugali ni Reign ay sya ring Ganda ng ugali ni Bella. Hindi pa dumating ang Obgyne. Sinabi ni Grey na may kukunin muna sya sa sasakyan. Naiwan doon ang cellphone nya baka kasi may importanteng tawag sa kompanya. “I'll be back .” Grey said.
He's on his way to the exit. Nang may nahagip ang kanyang mata isang pamilyar na mukha na kabababa lang ng taxi at may kasama itong babae. Hindi sya pwedeng magkamali. Si Bella nga ito! Anong ginagawa nito sa ospital, minabuti ni Grey na siguraduhin kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Bella sa hospital. Grey hide and followed Bella. Sumakay ito sa elevator at huminto sa 3rd floor ng hospital. Nakasunod lamang sya kay Bella at nang kasama nito. Nakita nyang pumasok na ito sa isang clinic.
Napa kunot-noo si Grey nang basahin ang nasa pinto. ⟦Dr. Ivy Agasi/ Obgyne⟧ ‘Anong ginagawa mo Bella? Anong ginagawa mo sa Obgyne?’ sa isip ni Grey. Naghintay sa labas ng pinto si Grey, nang bumukas ang pinto ay lumabas si Bella at ang kasama nito. Tumalikod si Grey at hindi sya napansin ng dalawa. Huminto muna saglit ang dalawa sa harap ng pintuan ng clinic.
“Bella narinig din natin ang heartbeat ni baby. Sana baby Girl.” masayang wika ni Kate. Lalo pang nagtaka si Grey sa sinasabi ng kasama ni Bella. “Pero Bella, dapat malaman din ng ama ng bata na dinadala mo ang anak nya.” At doon nanlaki ang mga mata ni Grey sa narinig. Alam niyang anak nya iyon. Anak nya ang dinadalang-tao ni Bella. “Hindi ko alam kung kaya ko pa syang harapin Kate. ” mahinang sagot ni Bella sa kaibigan. “Halika na Bella, Anong gusto mong kainin baby?” Tanong ni Kate habang hinahaplos ang tiyan ni Bella. “Wag mo na pasusukahin si mommy mo ha!” Ngiting sabi ni Kate.
Narinig nya lahat ng usapan nila Bella at ng kasama nito. Buntis ang mahal nya. Bakit hindi magawa nitong sabihin sa kanya na may baby silang nabuo sa sinapupunan nito.
Tingin ni Grey napaka walang kwenta nyang tao. Sinundan sila ni Grey, sinundan ni Grey ang taxing sinakyan nina Bella. Tinawagan nya si Reign at sinabing ipapasundo nya ito sa kanyang driver. Alam nyang galit na galit na ito. Ngunit mas importanteng malaman nya kung saan tumutuloy si Bella lalo na't buntis ito. Sinabi na lamang nya kay Reign na may emergency sa opisina kaya hindi na sya nakabalik.
Patuloy parin sinundan ni Grey ang taxi na sinasakyan ni Bella. Mataas taas ang biyahe nito. Hapon na ng huminto ang taxi doon sa tapat ng apartment malapit sa simbahan. Nakita ni Grey na bumaba na si Bella at ng kasama nito. Nag park na ng kotse si Grey at bumaba na rin.
Nagpasalamat si Bella sa kaibigang si Kate. Sa wakas narinig nya kanina ang heartbeat ng baby nya at 3weeks na pala syang buntis. Pumasok na sya sa kanyang apartment at umupo sa sofa. Natulala siya. ‘Sasabihin ko ba kay Grey na buntis ako at sya ang ama..’ tugon sa isipan.
Nakapasok na sa isang maliit na apartment si Bella. Ito na ang pagkakataon niyang puntahan ito. Naglakad palapit ng apartment si Grey. Madami ang nakatingin sa kanya, dahil hindi ito basta ordinaryong tao tingnan. Iba ang pananamit nito. Halatang pang mayaman talaga. Mabilis syang naglakad at tinungo ang pinto ng pinasukang apartment ni Bella at sya'y kumatok.