Andrew's POV "Mom, Dad, hindi ninyo puwedeng gawin ito kay Elthon." Anas ko sa dalawa. "Kakarating mo lang tapos yan ibubungad mo sa amin?" Matigas na anas ni Mommy. "Dad, may sariling pag-iisip ang kapatid namin. Hindi ba kayo naaawa sa kanya?" "Andrew para ito sa kabutihan niya." Napabuntong hininga ako, ito na naman! "Mom, ginawa niyo na ito sa akin noon." "Kaya nga ngunit hindi natuloy dahil tumakbo ka." Sariwang-sariwa parin sa aking isipan ng hindi ako sumulpot sa kasal namin ni Thea. Hindi ko mahal ang babae at may iba akong mahal, nagawa ko namang ipaglaban kaya we have Douglas. Pero iba si Elthon, mahina ito pagdating sa aming mga magulang. "It's because hindi ko mahal si Thea, kayo ang naghanap para sa akin, kinuha niyo ang karapatan kong iyon. Mom, huwag mo

