DAHIL SA NANGYARI hindi na nagpakita pa si Celine sa korte, kaya nadismiss ang kaso ng walang kahirap-hirap. Pero hindi naman iyon ang gusto kong mangyari, pero sige na nga go with the flow nalang. Iyon din naman kasi ang gusto ni Ivan, ang pabayaan nalang si Celine. "Baby, I'll just go to the office...I'll be back before seven, may gusto ka bang ipabili?"malambing na paalam sakin ni Ivan. Back to normal na ang buhay naming mag-anak. Si Ivan nagta-trabaho na ulit pero nakabudget na ang time niya, hindi na daw siya uulit gaya ng dati na walang time para sa pamilya. Natuto na daw siya ang sabi niya, na nakikita ko naman na ginagawa niya naman talaga ang lahat ng makakaya niya para samin. "Hmmm... nothing basta uwi ng maaga"bilin ko naman. He smiled at me before he kissed me goodbye. Na

