BU:LVL 31 Nakabalik na kaagad si Ezra sa bahay matapos ang paguusap nila ng mga kameeting. Kahit na pangit ang naging paguusap nila ay naayos naman ang lahat. Kahit kung anu-anong mga salita ang sinabi sa kanya ng mga kameeting ay hindi nya na ito inisip pa. Ang gusto nya lang ay makauwi at makita si Fina dahil masaya ito sa nangyari sa exhibit. Excited na rin syang buksan at isabit ang painting na nabili kasama ang kanyang mahal. “I’m back – ” nawala ang ngiti sa mukha ni Ezra nang makitang bukas ang pintuan kaya’t mabilis syang pumasok, “ – Fina!! Fina!!!” Patuloy ang pagtawag nya dito ng paulit ulit ng makatapak sya ng basag na bote. Sinundan nya ito ng tingin at nakita ang isang bumabangon na lalaki. Nakahanda na sya para suntukin ito nang makita kung sino ito. “Un

