BU: LVL 29 Matapos sabihin ni Ezra kay Margaux ang tungkol sa kanila ni Fina ay pinigilan ng dalaga na sabihin ito sa mga nasa meeting dahil alam nyang baka makaapekto ito sa tingin ng mga tao sa kanyang nobyo lalo na’t may kinalaman sa business ang conference meeting na iyon. Dahil naintindihan na ni Fina ang kung anong meron sa meeting na iyon at alam na ni Margaux ang tungkol sa kanila ay nakampante na sya at hindi na nagisip ng kung anu-ano tungkol sa dalawa. Habang nasa conference meeting si Ezra ay tuloy sa trabaho si Fina ngunit hindi pumapalya ang kanilang pagtatawagan at pagfe-face time. Habang nasa meeting ang binata ay muli nang bumalik si Fina sa bahay nito upang sorpresahin ang nobyo sa kanyang pagbabalik. “I’m sorry the meeting has to be exte

