I WAS QUIETLY monitoring all the goons that I had in this mansion while standing in the place that had become my favourite.
Sa veranda lang din naman ito ng kwarto ko at tuwing alas sais ng gabi lang ako may lakas ng loob na lumabas dito. There is no sunlight at this time, so it's safe for me to go around and stroll, but I only prefer to stand here.
Naramdaman ko ang biglang pagpasok ni Romy sa kwarto ko kaya bahagyang gumilid ang aking mga mata. Then I saw his footsteps walking forward on me.
“Nakaalis na ba si Nadia?” I asked him casually then turned my gaze back to the yard.
“Kakaalis niya lang, Dylan.” Sagot nito at tumahimik din ulit.
Kung nakaalis na si Nadia, nasaan kaya ang scammer na ‘yon ngayon?
“Nabilhan ba ni Nadia si Miss Hermoso ng mga damit?” Tanong ko ulit.
“Oo, Dylan. Sa katunayan, pinapasabi ni Miss Janiyah na salamat daw dahil pina-cash advance mo siya. Pinapasabi niya rin na kung pwede raw ay gusto ka niyang makausap ngayon.” Romy answered it casually.
Naningkit bigla ang mga mata ko. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na hindi niya ako pwedeng pagpasalamatan dahil hindi ko naman iyon ibinigay sa kanya. Utang niya ‘yon sa akin!
Wala akong ibang sasabihin ngayon kaya tumahimik na lang ako. I don't want to talk to that scammer! I don't want to see her all the time because it irritates me.
“Dylan?” Untag sa akin ni Romy kaya hinarap ko siya. Kung wala na siyang ibang sasabihin, normally, he leaves without my permission, but now I can sense that something is bothering him.
Tumaas ang isa kong kilay ng tingnan ko si Romy. As always, he bowed his head as if he was not confident, staring at me.
“Say it, Romy.” Seryoso kong sabi saka hinayaan ang sarili na maghintay sa mga sasabihin niya.
He cleared his throat.
“Yo’ng tungkol kay Miss Janiyah…” Simula niya. I was still in my ears. “Kasi tinatanong niya kanina sa akin kung ano ba daw ang mga dapat niyang gagawin dito sa mansyon. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba dapat dahil sumusunod lang din naman ako sa utos mo.”
My eyes narrowed again when I heard what he said.
“Kung binasa niya lang sana ang rules edi sana alam na niya ang mga dapat niyang gagawin sa mansyon na’to. You know that I don't want to repeat what I said, Romy.”
Tumango-tumango siya saka umurong ng isa para sana lumabas na ng veranda pero ng maalala ko ang nadatnan ko kanina, siguro oras na para ipakumpiska ang cellphone ng scammer na ‘yon!
“Confiscate her phone, Romy. She can't finish her work if she's always focused on her phone.” Utos ko pero normal lang ang reaksyon niya sa sinabi ko. Alam niya kanina kung saan ako nanggaling at kung bakit galit na galit ako at dahil ‘yon sa scammer na ‘yon!
Talagang sumisingit pa siya ng oras para makipag-videocall sa nobyo niya! Hindi ‘yon allowed dito sa pamamahay ko kaya huwag niyang uulitin yun dahil baka ipahanap ko ang lalaking ‘yon at itapon sa malayo ng hindi na sila makita!
“Pero bumawi ngayon si Miss Janiyah Dylan.. Katunayan, nandoon siya sa labas ng bahay, nagbubunot siya ngayon ng mga damo dahil balak niya daw pagandahin ang garden doon sa tabi ng gazebo.” Sunod-sunod na paliwanag ni Romy kaya awtomatiko rin akong napabaling sa baba at tumingin sa bandang gazebo.
May ilang goons ang nakatambay doon para mag masid-masid at sa kalagitnaan ng pagmamasid ko, nakita ko ang scammer na ‘yon. At tama si Romy, nagbubunot nga ito ng mga damo like is she serious?
“Still, confiscate her phone, Romy. Hayaan mo siyang bumawi ngayon dahil wala naman siyang nagawa kanina. And if she asks you again what she can do in this mansion, tell her that she can do what she wants. She's a maid here so definitely, she's an all-around worker.”
I don't want to be scammed by her again. Baka modus lang niya 'to, kaya dapat aware at prepared ako sa mga galaw niya.
Dahil kahit anong tanggi niya, mapapatunayan ko pa rin sa kanya na hindi lang ako basta nagkakamali. Lahat ng data sa aming sites, nilalabas ang identity niya kaya paano niya itatanggi ‘yon eh mismong security data na namin ang nagpapatunay na siya ‘yon!
Ilang minuto nang makaalis si Romy. Ang akala ko didepensahan na naman niya ang babaeng ‘yon! Matanda na si Romy at nangungulila siya sa anak niyang dalaga na namatay kamakailan lang. I feel sad every time I see him alone and literally have flying thoughts. At siguro…nakikita niya kay Miss Hermoso ang anak niyang namatay. No doubt because recently, he gave to that scammer some of her daughter's old clothes.
Muli akong napatingin sa gazebo, and where I am standing, I can clearly see her while still continuing with what she is doing.
“Is she really serious?” Hindi makapaniwalng bulong ko saka ngumisi dahil pakiramdam ko nagpapakitang gilas lang ang scammer na ‘yon! Alam niya na sa tapat ng garden kung nasaan siya ngayon ay veranda ng kwarto ko! So to think of it, masasabi kong ginagawa niya lang ang pagiging masipag dahil alam niya na makikita ko siya?
At ano naman ang gusto niyang ipalabas? Na magiging okay na ako sa kanya after what I found earlier? Hell no!
Kahit abutin pa siya ng madaling araw kakabunot ng mga damo, wala akong pakialam sa kanya! And besides, trabaho niya ‘yon! Staka hindi lang naman kasi libo ang nai-scam niya sa akin kaya kahit abutin pa siya ng umaga kakabunot ng mga damo, wala pa rin sa one fourth ang mababawas sa utang niya!
Still I don't care about her! She can do what she wants! Basta ba puro paglilinis sa bahay ang gawin niya at sundin niya dapat ang mga sinasabi at inuutos ko para kahit paano, mabawasan naman ang utang niya sa kumpanya ko.