Sage’s Point of View Mula sa pampang kung saan kami hinuli ay dinala kami parte ng isla kung saan naroon ang kanilang mga bahay. Napakaraming bahay na gawa sa kahoy ang naroon, ang mga bubong ay mga dahon lamang ng niyog na pinagpatung-patong upang sila ay may proteksyon. Napaisip ako bigla kung paano sila kung may ulan. parang mababasa kasi sila sa loob kapag nagkataong bumuhos ang ulan. Sa aming isla kasi ay puro bato ang mga bahay dahil tuwing may malalakas na bagyo ay kawawa ang mga bahay kung kahoy lamang at pawid ang bubong na inilagay. Liliparin at liliparin ang mga iyon sa malakas na hangin ngunit ang kanila rito ay simple lang. Simple ang pagkakagawa ngunit mukha namang matibay. Tinali ang aming parehong kamay ni Damian mula sa likod at talikuran kaming pinaupo sa isang malap

