Part 3

1920 Words
“GOOD morning, Ma’am!” Tulad ng dati, ang nakangiting mukha ni Lilibeth ang sumalubong kay Amor nang pumasok siya sa opisina. Isa pa iyon sa bentaheng tinatamasa niya sa mataas na posisyon sa kompanya: ang magkaroon ng sekretarya at pumasok kung anong oras niya gusto. Pero lagi naman siyang dumarating bago mag-alas nuwebe y medya. Lumalabas nga lang uli kung kailangang personal na suyuin ang prospective buyers na hindi mai-close ng mga sales agent ang deal. “Any phone calls, Lilibeth?” “Wala pa, Ma’am.” Tumango si Amor at pumunta na sa sariling cubicle. Isang divider na hanggang dibdib ang nakapagitan sa kanila ni Lilibeth. Bago sa kanya ay nasasala na ng sekretarya ang mga taong lumalapit sa kanya. Siya ang may desisyong ang lugar na iyon ang gawing sariling opisina. Ayaw niyang palaging nagkukulong sa opisina. Isa pa, hindi naman niya masyadong nagagamit ang space niyon dahil mas malaki pa ang oras na nagugugol niya sa labas. Agad siyang nag-check ng e-mail nang mabuksan ang computer. Karamihan sa mga iyon ay business-related. Kunsabagay, boring naman ang personal life niya. Kung hindi siguro madalas ang mga luncheon at dinner date niya kasama ang kliyente o business associates ay baka nag-panic na siya sa sariling routine. Nagulat si Amor sa huling e-mail na binuksan. Inilapit pa niya nang husto ang mukha sa monitor para matiyak na hindi siya pinaglalaruan lang ng imahinasyon. Galing iyon kay Conrad. Conrad was her boyfriend. Pero pakiramdam niya ay sa pangalan lang. They were both busy in their respective careers. Umiikot ang mundo ni Conrad sa kongreso. He was a lawyer at chief of staff ni Congressman Quiterio Almaciga. Literal na kabungguang-siko nito ang iba pang mga pulitiko at nag-aambisyon ding pasukin ang larangan na iyon. Hindi kumbinsido roon si Amor pero hindi rin niya kinokontra si Conrad. Nang magkakilala sila nang nakaraang taon ay iyon na ang mundo nito. Bukas ang isip niya na nang sagutin si Conrad eight months ago ay kasali na ang ambisyon ng nobyo sa tinanggap niya sa pagkatao nito. How are you, my dear? It’s been a week mula nang huli tayong magkausap. I’m sorry kung hindi man lang ako nakapagpaalam sa iyo. I’m in Zamboanga right now. Huwag kang mag-alala, wala naman kami sa kuta ng mga rebelde. Sumama si Terio sa congressman ng distrito rito at isinama na rin ako. Of course, I won’t miss this. Alam mo naman, marami pa akong gustong malaman sa pasikot-sikot nitong papasukin ko. We’ll go back to Manila tonight. I’ll see you. Cancel your appointments. I’ll make up for the lost time. Napangiti si Amor nang mabasa ang mensahe. Si Conrad nga ang nagpadala ng e-mail, walang duda. Ganoon palagi ang nobyo niya, gusto ay makabawi sa mga pagkukulang sa kanya. Agad niyang pinindot ang intercom. “Lilibeth, hindi ako puwede tonight. Huwag kang maglalagay ng schedule.” “Yes, Ma’am.” Prente siyang sumandal sa upuan. Ngayon pa lang ay excited na siya sa date nila ni Conrad. Nakilala niya si Conrad sa isang car show sa Megamall. Na-love at first sight siguro ang binata sa kanya at hindi siya tinigilan hangga’t hindi napapasagot. Bumili pa nga ito ng kotse sa kanya kahit alam niyang puwede itong magpaiba-iba ng kotse araw-araw. Siguro, bahagi na rin iyon ng panliligaw nito. Na-impress siya nang bayaran ni Conrad nang cash ang kotse. Hindi siya nasisilaw sa pera pero nagustuhan niya ang sagot nito kung bakit binayaran nang cash ang sasakyan kahit mayroon namang zero-interest plan. “Ayokong mangutang hanggang maiiwasan. Mahirap ma-hook sa ganyan. Nagiging habit.” Tinanggap niya ang katwiran ni Conrad. At dahil nakita niyang masigasig sa panliligaw, sinagot na niya ang binata kahit hindi pa siya sigurado sa nararamdaman. Tutal, mabait naman si Conrad, bukod pa sa magandang lalaki at halata ang breeding sa bawat kilos. Sinabi na lang niya sa sarili na pasasaan ba at made-develop din siya. Saka praktikal din siya. Kahit hindi na masyadong in love, basta nauunawaan at nirerespeto nila ang opinyon ng isa’t isa, okay na sa kanya. Iyon nga lang ay hindi siya makakapag-demand ng oras ni Conrad. Mabuti na lang at hindi siya demanding. Dahil siya man ay palaging okupado ang oras. At sa loob ng walong buwang relasyon ay hindi pa naipakilala ni Amor ang boyfriend sa kanyang mga magulang. Conrad always insisted on meeting her parents, siya lang ang may ayaw. Ang gusto niya ay saka na lang, kapag talagang sigurado na sila sa isa’t isa. Ni hindi nga niya binabanggit sa pamilya na may boyfriend na siya. That would create a noise in their household. Dahil kahit kailan ay walang nabalitaan ang pamilya na nakipag-boyfriend siya. Conrad was her first boyfriend. Kung tutuusin ay wala namang dapat ipangamba kung uuwi man sila sa Sierra Carmela para ipakilala ang nobyo sa kanyang pamilya. Pero ayaw pa niya. Kung bakit ay hindi rin niya alam. Basta ang alam niya ay ayaw pa niya. Kung dahil sa kinakabahan siyang makaliskisan si Conrad ng mga kuya at ama niya ay hindi niya alam. Isa lang ang lalaking malayang nakakalabas-masok sa kanila. Si Joel. But Joel was a friend. Best friend niya noong high school. Nang tumuntong sila sa kolehiyo ay naging classmates pa sila sa UP-Diliman. Iyon ang mga panahong hindi niya makakalimutan kahit siguro tumanda na siya. May sekreto siya na walang nakakaalam kahit sino. At kahit ngayon ay wala siyang balak na sabihin iyon sa iba. Magkasabay rin silang nagtapos ni Joel. c*m laude pa ito. At sa halip na mainggit dahil mas mataas ang karangalang tinamo niya noong high school ay masayang-masaya siya para sa kaibigan. Isang buwan lang silang nagpahinga at naghanap na ng kanya-kanyang trabaho. Iyon nga lang, mas pinili ni Joel na sa San Esteban magtrabaho. Isang bayan lang ang pagitan niyon sa Sierra Carmela at di-hamak na mas maunlad. Ang huli niyang balita ay gagawin nang siyudad ang San Esteban. Hindi nga lang siya updated ngayon kung naging city na ba iyon. Ang papa ni Joel ang talagang tagaroon. Naroroon ang family business ng pamilya at ang binata na nga ang nagpapatakbo niyon ngayon. Napaunat ng upo si Amor. Hinanap niya ang address book. Ngayon niya naisip na si Joel ang dapat kontakin kung gusto niyang mag-materialize ang kanyang idea. She knew Joel was the man who could make things happen. And she was counting on that. Basta ginusto ni Joel ang isang bagay ay nakakagawa ito ng paraan para makuha iyon. Ang kailangan lang ay kumbinsihin niya itong panahon na para magkaroon sila ng reunion. Malakas ang paniniwala ni Amor na papayag si Joel. Mahigit sampung taon na rin naman mula nang maka-graduate sila ng high school. Ang iba nilang kaklase ay hindi na uli niya nakita. Ang iba ay aksidente niyang nakikita kapag umuuwi siya sa Sierra Carmela, pero maliban sa ngitian ay wala na. She wanted more than that. At kung gusto niyang makuha ang gusto, kailangan talaga niyang hingin ang tulong ni Joel. Dadamputin na lang ni Amor ang telepono nang tumunog iyon. Isang buyer ang nasa kabilang linya. Nagpa-panic ang buyer dahil nasagi ng isang pampasaherong jeep ang Sentra na wala pang isang buwang nabili. “Don’t worry, Mrs. Lim. Ako na ang bahala.” Kung tutuusin ay hindi na niya iyon problema. Covered naman ang sasakyan ng insurance, pero aasikasuhin niya dahil bahagi iyon ng kanyang paglapit sa kliyente. Lalo na sa mga katulad ni Mrs. Lim na parang sapatos kung magpalit ng sasakyan. Kung mayroon lang frequent buyer and loyalty awards na igagawad sa mga bumibili ng kotse, siguradong isa si Mrs. Lim sa magiging recipient niyon. Kinuha nila ang kotse at ibinalik sa casa. In-assure niya si Mrs. Lim na makukuha nito ang sasakyan nang mas maaga kaysa sa normal na dapat itagal doon. Inabot siya ng maghapon sa pakikipagkuwentuhan kay Mrs. Lim. Hindi pumayag ang ginang na hindi siya i-treat. Likas itong makuwento at nang mapansin niya ang oras ay hapon na. Nasa condo unit na si Amor nang makatanggap ng tawag, nagtitimpla siya ng hot and cold water at naghahandang magbabad sa tub. “How are you, dear?” tanong agad ni Conrad nang sagutin niya ang tawag. Bigla siyang na-guilty. Nakalimutan na niyang may date sila. “Kadarating ko lang. Nasaan ka na?” “Papunta na ako diyan. Be ready. We have a reservation at seven.” Napatingin si Amor sa relo. Mahigit isang oras pa ang allowance niya. “I’ll take a shower. Ring my bell after thirty minutes.” Tumawa ang nobyo. “Dear, nandito na ako sa elevator.” Wala pa yatang isang minuto pagkatapos maputol ang linya ay nasa tapat na ng unit niya si Conrad. He was formally dressed, kagaya ng inaasahan niya. Pagkatapos niyang papasukin ay iniwan na niya ito sa sala para makapag-ayos na siya. Nasa mga mata ni Conrad ang paghanga nang lumabas siya ng silid. She was wearing a velvet gown in electric blue. Tanging pearl choker ang suot niyang alahas. Her purse was cream silk, katerno ng sapatos. She dabbed a logical amount of Beautiful on her pulse points that created a lingering scent. Inalalayan siya nito sa siko nang lumabas sila ng unit. Conrad was a predictable romantic. Hindi na ikinagulat ni Amor ang candlelight dinner na inihanda nito. They already had that type of dinner countless times. Kaya nga natuto na rin siyang bumili ng mga evening dress. Wala naman siyang reklamo kahit wala nang thrill sa kanya ang ganoong klaseng date. Amor couldn’t demand an outdoor-type date. Pareho silang hindi pupuwede. Isa pa, hindi ganoon ang interes ni Conrad. He enjoyed fine dining. At natutuhan na rin niyang masanay kung hindi man ganap na i-enjoy iyon. “Amor,” masuyong sabi ni Conrad. Tapos na nila ang main course at sa halip na kape na nakagawian nilang order-in ay tig-isang kopita ng champagne ang hiningi nitong isilbi ng waiter. Ginagap ni Conrad ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa at pinisil. That had also happened numerous times. Hindi na bago sa kanya. Wala rin siyang reklamo. That was Conrad. At tanggap na niyang predictable ang nobyo. Then he showed her a diamond solitaire ring na mahirap tawaran ang kinang. Iyon ang nakasorpresa sa kanya. “Conrad?” she uttered in awe. He smiled then declared the most abused line. “Will you marry me, Amor?” Hindi agad siya nakapagsalita. Isinusuot na ni Conrad sa daliri niya ang singsing habang titig na titig sa kanyang kamay. It was beautiful. Sigurado siyang hindi basta-basta ang presyo niyon. At bagay na bagay ang singsing sa kanyang daliri. Nag-angat ng tingin si Conrad at tinitigan siya, naghihintay ng sagot. “Amor?” tanong nito nang mukhang nainip na, parang kinabahan sa hindi niya pagsagot agad. “This is so sudden, Conrad,” sabi niya. “Yes or no, Amor. I don’t want a gray answer,” banayad na sabi nito. Alam niyang sa likod niyon ay natatakot ito na baka “no” ang isagot niya. Maliban sa pagiging predictable na sa tingin naman niya ay hindi naman problema, Conrad was quite a good catch. No practical woman would turn him down. He could provide emotional and financial security. He was thirty-four and a very eligible bachelor. And he was her boyfriend. Natural lang na mag-propose ito. Ngumiti si Amor. “Y-yes, why not?” Nangislap ang mga mata ni Conrad. “I love you, Amor.” “I... love you, too.” At na-realize niyang kapos iyon sa sinseridad sa kanyang pandinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD