[rain'pov]
Nagising ako sa sikat ng araw na dumapi sa mukha kong maganda.hayss bagong umaga nanaman na walang kian sa aking tabi.2weeks nung umalis si kian papuntang academy.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at mabilis na pumunta sa cr para mag hilamos.Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba nako para mag almusal.
Pagbaba ko sa hagdanan papuntang kusina ay nakita ko si tita na abalang nagluluto.Ng mapansin ako ay ngumiti ito sa akin."Magandang umaga iha,maupo kana at kakain na tayo"malambing na sabi ni tita.
"Magandang umaga din po tita"mahinhin na bati ko din sakanya.Ilang sandali ay nilapag na ni tita ang almusal at kumain na kami.
Nang matapos kaming kumain ay lumabas na ako ng bahay at pumunta sa paboritong tambayan namin ni kian.
Pero ilang sandali ay isang ahas ang aking nasilayan kaya dali dali akong tumakbo ngunit sa kasamang palad ay natapilok ako.Tinignan ko ang aking tuhod na dumudugo.Pero nabigla ako ng bigla itong tumigil sa pagdugo at nawala ang aking sugat na walang kahit anong bakas.
"Huh?"napatulala ako sa aking nasilayan.May kapangyarihan din ako?pero sabi nila 4elements lang daw ang mga kapangyarihan alin don ang may panggamot?wala naman.
Nagising ako mula sa aking pagkatulala ng maalala kong may nakita pala akong ahas kaya tumingin ako sa likod ko pero wala akong nakitang ahas.Nakakapagtakang bigla itong nawala.tsk ganda ko kase.
PAG-UWI ko sa bahay ay nadatnan ko si tita sa sala na nanonood sa tv.Nang mapansin ang pagdating ko ay tumingin ito sa akin at ngumiti."oh iha san kaba nagpunta?".
"A-hh ehh sa labas lang po nagpahangin hehe" paliwanag ko kay tita na ikitango nya na lamang.
Pumasok ako sa kwarto at dali daling nagbihis kinuha ko din ang librong bigay sa akin ni lola noong nabubuhay pa siya.
'book of powers'
'sa mundo kung saan ang mga tao ay naiiba,may kakayahang kumontrol ng mga elemento gaya ng fire,water,earth,air at ang panghuli ay ang power of life.'
4 E L E M E N T S
Fire
Water
Earth
Air
'only one power can one person have'
Kumunot naman ang noo ko sa nabasa.Baket pwede bang may isang taong kayang kontrolin ang apat?huh? abnormal lang ang peg?tsk nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa.
'pero isang propesiya na nagsasabing "she's different" pwede nyang manupulahin lahat ng elemento'
"Huh?"
'heal powers'
Halos mapatulala ako sa aking nabasa.May heal powers?kung ganon?...
"Kyahhhhhhh!!!!!!!?" Malakas na tili ko.Kung ganon pwede akong makapasok sa academy kase meron akong heal powers?huhuhu makakasama kona si miloves!!!!!!.
Ilang sandali ay nagbasa muli ako.
'heal powers'
'kay nitong gumamot o bumuhay ng mamatay na'
'matagal ng walang nagmamay ari ng kapangyarihan ito dahil naubos lahat ng kadiliman ang may hawak ng ganitong kapangyarihan noong digmaan'
Tok*
Tok*
Tok*
Napatalon ako dahil sa malakas na katok.Agad kong itinago ang aking libro at binuksan ang pinto.Nakita ko si tita na nakangiti "iha tara na kain na"malambing na sabi ni tita.hayss bakit kaya hindi namana ni miloves ang ugali nila tita mabait at palangiti samantalang siya parang yelo.
"Ah sige po,sunod nalang ako" sabi ko kay tita at tumango naman siya.Pagkatapos kong mag ayos bumaba nako para kumain.