Hanggang ngayon tulala pa rin ako sa nakita ko. Tuluyan ng kalimutan ang insedenteng nangyari sa school at napalitan na ito ng iba at bagong alalahanin. I'm sure si Vandeer yun, kahit isang segundo lang pero alam kung siya yon. Kabisado ko na lahat ng parte ng mukha niya, pero bakit siya tumatakbo? Bakit may sumigaw na magnanakaw? Is he a thief? So, nandito lang siya sa lugar namin or napadaan lang? Pero nawala sa isipan ko ang lalaking nakita nang tuluyan na akong nagsimula sa trabaho. Ito yung unang araw ko sa trabaho sa J and F Mini-Store. This is open 24/7 kaya dalawa kaming worker nila para ang isa sa umaga at yung isa naman para sa gabi. Pinili kong mag morning shift para hindi delikado pag umuuwi ako sa amin. My schedule is from 7 am to 7 pm at yung night shift na bading na ang

