Itong pangalawang pagkakataon ang nakakainis, nakakairita at nakakahiya! Narinig ko na may tumatawa pa, may bumubulong at may tumikhim. Dahan-dahan akong tumayo.. "Bawal pumasok sa loob" sabi ko at tumayo nang maayos. Kinapalan lang ang mukha para pasamantalang makalimutan ang nakakahiyang nangyari. Hindi ka natumba at lalong hindi ka nasalampak sa sahig. Mukhang namumukhaan yata ako ng kaibigan ni Vandeer dahil nakatingin lang ito sa akin na parang inaalala kung nasaan ba niya ako nakita. "I-ikaw! Siya!" Sigaw nang kaibigan ni Vandeer. He's the whitest of all. "Anong siya?" Sabat naman ng dalawa. "Bakit parang familiar yang mukha?" Sabi naman sa isa pang kaibigan niya na may eye-glasses. "Yung babae! Sa faceb-" Sabi din ng isa noong may nunal sa kilay at tinuturo pa ak

