Ito yong pangalawang araw na inumagahan ko talaga papuntang school. Wala munang trabaho sila Mama at papa ngayon dahil nga bumabawi sa panahon na nawala ako at yung bayad sana para sa graduation ay ipinagpabayad na namin sa nga utang since total wala naman akong graduation na gaganapin ngayong taon. Sila muna ang magbabantay ni Eda at inutusan lang akong bumili ng pagkain at hindi nila alam na pupuslit saglit at pupunta sa paaralan ngayon. I can say that it was a bit struggle to go there dahil napaparanoid pa ako sa paligid ko. What if Krista's body guard is here, nagtatago lang para hindi ko mahalata? So far nakapasok naman ako ng school na walang lalaking dumudukot sa akin. Nakita ko pa ang ibang studyante na nasa guard area, mga nasa lower grade. Baka nag-iintay ng mga kaibigan pa

